Friday, June 20, 2008

chickenFUCKS!

bwisit! bwisit! bwisit!

simula nung dumating ako dito sa al ain galing sa bakasyon wala nang nangyari saken kundi magkasakit! nung unang lingo, nilagnat ako pero ok lang kasi sabi ko baka dahil sa biglang pagpalit ng panahon, mainit na kasi. kaso ngayon bulutong naman ang dumapo sa akin! pambihira naman o! nakakainis ang ganitong sakit... makati na hindi mo pwedeng kamutin at ang nakakayamot pa lalo, napakatagal bago gumaling. nabuburyong na ako dito sa bahay ilang araw pa lang ako.

ang hirap ng ganito, napakainit ng ulo ko palagi. buti na lang meron akong collection ng FRIENDS, kahit papano nakakapagpasaya sa akin ang panonood nito.

sige na, wala na ako masabi... baka mamaya maihampas ko pa itong laptop sa mukha ko sa sobrang kati!

Wednesday, June 11, 2008

new experiment

isang gabing madilim sa al ain...




sumakit ang tuhod at balakang ko ng kakatuwad at kakaluhod sa harap ng lababo sa pagkuha ng mga pictures na ito. sana naman magandahan kayo...







Thursday, June 5, 2008

more pix

pictures taken in batangas...







Tuesday, June 3, 2008

vacation pix

kamusta kayo? matagal-tagal rin ako nawala. nagkaroon kasi ng pagkakataon na makapagbakasyon sa ating inang bayan. napakasarap talagang bumalik sa sariling atin! marami rin akong inasahang makikita, akala ko nga lahat ng pader na makikita ko pinturado na ng mga repapips kong grapeste kasi akala ko ganun na sila kasikat at kaprominente... wala rin naman pala.
pero so far, nag-enjoy rin naman ako ng todo sa bakasyon namin kahit na merong pailan-ilan na problema. hindi naman mawawala yun, abnoy ka nga raw kung wala kang problema.
eto pala ang ilan sa mga pictures na nakuha ko habang bakasyon....
eto ang koleksyon namin ng gitara na nasa pangangalaga ng mahal kong pamangkin na si edward.

nung ipasyal ko ang asawa at ina ko sa tagaytay

trying to make it different


asawa ko at nanay ko


ayos ba ang kuha ko? draught in the middle of abundance

eto ang pamangkin ko na sobra kong naka-bonding nung bakasyon ko to the point na humahagulhol sya nung umalis ako... i love you UTOY

mother dear... and dami kong pagkukulang sa inyo na hindi ko alam kung pano punan

palutangin ang subject...


and the winner is....


foreplay sa hangin


ang lupit nila... sa enchanted kingdom nga pala 'to


wala ka sa magazine, kuya

ayos ba ang birthday cake ko? courtesy of danna


swimming time


parang sa mga mamahaling resort, ano? clubhouse lang namin yan


ayos ba ang effect?

yun lang! wala akong pakialam kung nagustuhan nyo o hindi, blog ko ito at gagawin ko kung ano ang gusto ko. me angal?