Tuesday, July 29, 2008
Friday, July 18, 2008
Sino ang Tunay na Masama?
MMDA vs Sidewalk Vendors
Sino ba sa kanila ang tunay na masama? Sa tuwing makikita ko sa balita ang pagpapaalis ng mga MMDA sa mga Sidewalk Vendors, hindi ko maiwasang mahabag sa mga kawawang magtitinda. Nakikisimpatya ako sa mga hinaing nila na naghahanap-buhay sila ng patas, marangal at di hamak na mas maigi kesa magnakaw. Dahil sa ako ay nasa mababang antas ng pamumuhay, nasa mga magtitinda sa bangketa ang simpatya ko.
Sa panig ng MMDA, nakakatuwa na para sa pagpapaganda at pwede nating sabihin na para sa nakararami (na nasa mas mataas na antas ng pamumuhay) ang ginagawa nilang paglilinis ng bangketa. Siguro naman wala silang masamang intensyon sa ginagawa nila at sigurado tayo na ang mga taong nagbabaklas ng mga tindahan na nakikita natin sa TV ay sumusunod lang sa nasa itaas nila. Sa isang dako, may punto sila sa paglilinis ng kalye para sa mga naglalakad at sa ikagagaan ng trapiko. Alam din naman natin na nagbibigay sila ng abiso sa mga vendor bago nila gawin ang paglilinis ng bangketa. Ang tanong ko lang, may iniaalok ba silang alternatibong pagkakakitaan o sabihin na nating lugar na pwede nilang lipatan? Isa pa, bakit kailangan nilang samsamin ang mga paninda na pinamuhunanan ng mga pobreng vendor? Saan ba nila dinadala yun at ano ang ginagawa dun? Sa totoo lang, hindi naman ang pwesto na nakakaharang sa daanan ang hinahabol ng mga vendor. Hanapbuhay ang hinahabol nila kasi dun nila kinukuha ang ipangtutustos sa pamilya nila. Sa bangketa sila nagtitinda dahil hindi nila kayang umupa ng pwesto at lalong hindi nila kayang gumawa ng krimen para sa ikabubuhay nila.
Lumaki ako na may nakikitang sidewalk vendor at sa buong buhay ko wala pa akong nakitang normal na taong dumadaan sa bangketa ang nagreklamo at nagpaalis ng sidewalk vendor na 'nakahambalang' sa daan. Sa sarili kong pananaw, mas nakakatulong sila sa mga dumadaan imbes na nakakaperwisyo. Sanay na ang mga tao na kahit saan sila lumingon, may makakainan sila pag nagutom at abot-kaya pa; may mabibiling mga gamit na katulad rin lang ng nasa mall pero malaking mura sa presyo. Halos lahat, kung hindi man lahat, ng kakailanganin ng simpleng mamamayan na naglalakad sa kalye ay nasa bangketa.
Ang Maynila, kesyo putaktihin pa ng magtitinda sa bangketa, pwedeng maging MANILA sa ibang paraan na hindi aalipustain ang mamamayan nito.

Wednesday, July 9, 2008
Artel Sebastian's Gallery
here are some of the amazing photographs taken by an amazing friend, Artel Sebastian:
Artel is a resident of Brgy. Pag-asa, Quezon City. He was once affiliated with SM Amusement Center, if I'm not mistaken, and afterwards he became one of my bosses in my present job. you can see more of Artel's works in his multiply page:
Thursday, July 3, 2008
ang taong may bulutong na walang magawa
nung mga araw na nakakulong ako sa bahay dahil sa bulutong, wala akong ibang ginawa kundi manood ng TV, matulog, magmukmok at maglaro ng aking digicam. sa totoo lang, sawa na ako sa camera ko, gusto ko na itong palitan ng mas maraming feature at manual settings pero hindi naman yung SLR. siguro pag-iipunan ko muna yun... habang wala pa yun, tignan nyo muna itong mga pinaglaruan ko:
Subscribe to:
Posts (Atom)