alam ko hindi ganun ka-reliable ang WIKIPEDIA dahil kahit sino ay pwedeng maglagay o mag-edit ng entries dito. kaya nga ito WIKI ay dahil sa phrase na What I Know Is. para bang pag may nagtanong sa'yo na hindi ka naman sigurado, sasagot ka ng "ang alam ko kasi ganito 'yan... 'yun ang alam ko pero tanong ka rin sa iba". pero hindi naman ibig sabihin na sa wikipedia, lahat ay hindi sigurado dahil karamihan naman sa mga entries dito ay may mga resources na pwede mong i-double check sa baba.
sa totoo lang, hindi wikipedia ang gusto kong talakayin dito. nagbigay lang ako ng intro tungkol sa wikipedia dahil madalas ako magbasa dito at napahanga at naguluhan ako sa nabasa ko kanina. ayon sa List of Largest Shopping Malls in the World sa wikipedia, apat na SM ang kasama sa Top 15. pangalawa sa pinakamalaking mall sa mundo ang SM North Edsa, pang-apat ang Mall of Asia, pang-siyam ang Megamall at pang-13 ang SM Cebu. mapapahanga ka sa unang kita mo pa lang dito, masasabi mong namamayagpag ang Pilipinas. pero kapag napaisip ka naman, parang nakakahiya rin. parang hindi bagay sa kalagayan ng ating bansa ang magkaroon ng ganito kagarbong mga bagay. para kang isang tao na may koleksyon ng mga mamahaling kotse pero walang panggasolina para patakbuhin ang mga ito!
kilala ang bansa natin sa dami ng malls, naglipana sa halos bawat lalawigan at bayan ang mga mall partikular na ang SM. may nabasa pa nga ako'ng essay ng ibang lahi dati na-hindi-ko-na-maalala-kung-saan na nagsasabing mas marami pa raw SM Mall sa ating bansa kesa mga isla ng Pilipinas, hindi totoo pero tatamaan ka. isipin mo nga naman, isa tayo sa pinakamahihirap na bansa sa buong mundo (tanggapin na natin!), pero ang mga pinakamalalaking mall ay matatagpuan sa ating bansa... hindi ba nakakatawa? malaking porsyento ng populasyon sa bansa ang nasa lower class kaya mapapatanong ka kung sino ang nagpupunta at kung papaano kumikita ang mga mall na ito?
wala ako'ng masamang tingin sa kumpanyang SM pero mapapaisip ka kung sino ang mga taong may kakayahang makapunta rito, kung ano ba ang ginagawa nila pag 'andun sila, namimili ba sila o tumatambay lang? pinatutunayan ba nito na tayong mga Pinoy ay mahihilig gumasta para sa mga bagay na hindi naman mahalaga at pwedeng wala tayo? Filipino pride?
nagtatanong lang po....
Saturday, February 27, 2010
Saturday, February 20, 2010
Saturday, February 13, 2010
kung anu-ano...
gusto kong magsulat pero hindi na yata ako marunong. marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung pa'no umpisahan. ang haba na ng natype ko kanina pero walang laman nung basahin ko. gusto kong bumalik sa blog ko pero taga-view na lang ako ng dati kong ginagawa.
nagtampo na yata sa akin ang blog na ito. oo nga, gawa ko ito pero matagal kasi kaming hindi nagpansinan. kasalanan ito ng facebook! malaki na rin ang pagkukulang ko dito. dati kasi nung bago pa lang, araw-araw may post, nung tumagal minsan na lang sa isang buwan tapos naging kung kelan na lang maisipan, aling blogsite ba naman ang matutuwa nun? kung sa halaman hindi na nadidiligan.
gusto ko sana bumawi, gusto kong diligan ulit ang halaman sa blogsite ko... magsusulat na ulit ako, pramis! saglit lang, me notification at friend request ako....
nagtampo na yata sa akin ang blog na ito. oo nga, gawa ko ito pero matagal kasi kaming hindi nagpansinan. kasalanan ito ng facebook! malaki na rin ang pagkukulang ko dito. dati kasi nung bago pa lang, araw-araw may post, nung tumagal minsan na lang sa isang buwan tapos naging kung kelan na lang maisipan, aling blogsite ba naman ang matutuwa nun? kung sa halaman hindi na nadidiligan.
gusto ko sana bumawi, gusto kong diligan ulit ang halaman sa blogsite ko... magsusulat na ulit ako, pramis! saglit lang, me notification at friend request ako....
Subscribe to:
Posts (Atom)