sa pag-uwi, kasabay ko sina Berto at Philip dahil magkakapareho kami ng sasakyan pauwi. si Berto ay taga-sta. mesa, si Philip ay sa mandaluyong at ako naman ay sa Makati. pagsakay namin ng ordinary bus na byaheng alabang, nag-usap kami na dahil mauunang bumaba si Berto sa Cubao ay gigisingin n'ya si Philip na bababa sa Boni at si Philip naman ang gigising sa akin na bababa sa Guadalupe. maliwanag ang usapan at nagkanya-kanya na kami ng upo sa maluwag na bus. lahat sa tabi ng bintana ang gusto dahil lahat gustong sumuka!
eto ang nangyari, nakatulog ang lahat sa byahe sa sobrang kalasingan. naalimpungatan na lang ako nung nasa tulay na ng Guadalupe ang bus at galit na galit dahil hindi ako ginising ni Philip. nagmamadali akong pumara at mura pa ng mura habang papunta sa pintuan dahil hindi ako ginising ni Philip. buti na lang at naalimpungatan ako, kung hindi baka kung saan ako napunta at problema ang pag-uwi dahil sakto lang ang pamasahe ko.
kinabukasan, nung magkita-kita kaming tatlo, lahat kami nagagalit sa isa't isa. ang nangyari pala, sa Ayala na nakababa si Berto at katulad ko rin na nagmamadaling bumaba ay hindi na sinilip ang kasama. si Philip naman na nagagalit kay Berto dahil hindi s'ya ginising ay sa Alabang napadpad at ako, na dapat huling bababa, ang nag-iisang bumaba sa tamang bababaan. hindi ko naisip na andun pa rin pala ang dalawa sa bus dahil nagmamadali akong bumaba at galit pa. ganun din si Berto, hindi n'ya na napansin si Philip sa pagmamadali dahil lagpas na s'ya sa bababaan n'ya. si Philip na sobrang himbing ng tulog ay ginising na lang ng kunduktor ng bus sa Alabang at hindi namin alam kung pa'no nakauwi!
mga pangyayari sa kolehiyo na nakakahiya pero masayang balik-balikan.
s'ya si Berto, ang unang bababa sana sa Cubao na napadpad sa Ayala...
s'ya naman si Philip, ang bababa sana sa Boni na ginising ng kunduktor sa Alabang...