Wednesday, May 23, 2007

Long Live CDC!!!...

i have something here that i have written for our underground org way back in college. i was already working and has finished college when i wrote this maybe six years ago. it was a sleepless night in Taal, Batangas where i was residing at that time and i am deeply missing my friends so i got up, took a pen and paper from my cousin's things and started writing this:


pano ba tyo nabuo? hindi ko na gaanong maalala, basta ang alam ko lang minsan sa isang bahagi ng mga buhay natin nabuo ang isang samahang kinabibilangan ng mga indibidwal na may kanya-kanyang pagkatao. mga indibidwal na pinagbuklod ng iisang mithiin at ng iisang organisasyon... ang CDC.


Ilang flare lights na ba ang nasindihan natin? Natatandaan mo pa ba kung gaano kasaya ang pakiramdam natin habang pinagmamasdan ang pulang ilaw na nagsisilbing tanglaw sa ating pagkakaisa? Hindi lang isang beses kundi marami na..at umaasa ang marami na may sanlibong flare lights pa tayong sisindihan.Walang makakalimot sa samahan natin; takbuhan ng mga nawawalang tupa na kung saan makikitang muli ang panibagong pakikisama at pagasa. Sandalan ng mga nawala sa sirkulasyon ng mga dati nilang kaibigan na umaasang makakatagpo ng bagong kaligayahan bagamat hindi nila nalalaman na isa sila sa mahahalagang sangkap ng taos-pusong kaligayahan sa piling ng bawat isa.


Hindi na mabilang ang mga salaping natalo sa PUSOY kung saan nag-ugat ang ating samahan. Ngunit sa kabila ng halaga ng salaping natalo ay mas malaki ang sayang idinulot ng magulong paglalaro. Laro na sugal sa isip ng iba ngunit para sa atin ay isang pundasyon na pinagmulan ng isang matibay na pagkakaibigan.May isang timba na ang upos ng yosi na naubos sa bawat pagsindi. Yosing tinitipid at pasa-pasang pinaiikot ng tiga-tigalawang hithit lamang. Yosi, na napakagandang pasalubong mula sa mga bagong dating..ang yosi ng isa ay yosi ng lahat.Isang sako na kung iipunin ang mga basyo ng GIN at EMPARANING na naubos natin. At isang drum na siguro ang naisuka natin sa bawat inumang walang kasing saya. Sa walang patid na tugtog ng gitara at magulong kantahan, naidadaos natin ang mga gabing ilang beses na nating hiniling na wag ng matapos. Mga gabing sana ay wala ng bukas. Mga inumang ginulo ng mga away na agad ding nareresolba at mamamalayan mo na lang na lalo lang nagpatibay ng samahan at pagkakaibigan. Mga inumang nagbubulgar ng saloobin ng bawat isa at mga kuro-kurong walang kwenta na pagmumulan ng mainit na pagtatalong mauuwi lang sa tawanan at kantyawan.


Hindi ko lubos maisip kung panong nagsasama-sama ang mga taong may iba't ibang pananaw at paniniwala na dagling nakakalimutan o kinakalimutan sa sandaling nasa loob na ng samahan. Ang samahang ito ay para sa lahat, walang hanggan at walang limitasyon. Maliban lamang sa iilang kasunduan na nagbabawal sa mga bagay na alam ng lahat na mali at sinang-ayunan ng lahat na ipatupad. Sa kabila ng kalagayang walang namumuno at nanunungkulan sa atin, nandiyan pa rin ang pagkakaisa at respeto. Samahan ito ng mga malalaya, organisasyong binuo ng iba't ibang utak at prinsipyo na pinagsama sama ng iisang puso. Pusong handang ibigay sa kasamahang nangangailangan, handang umintindi sa mga pagkukulang at handang tumanggap ng mga paliwanag. Pusong bumubuhay sa ating masayang samahan. Ngunit hanggang kelan? Patungo saan? At para kanino?


Hangga't may mga taong masaya sa samahan natin. Maaaring mawala ang ikatlong palapag sa silangang bahagi ng ating unibersidad subalit mananatili sa atin ang diwa ng ating pagkakaibigan. Maubos man ang mga alak at yosi sa tindahan, sigurado akong hindi mabubuwag ang samahang itinakda ng tadhana para sa mga taong tulad natin. Hanggang nananalaytay sa ugat natin ang dugong bumubuhay sa atin at sa ating samahan.. dugong CDC

Patungo tayo sa isang magandang bukas na bagamat hindi mo mapapansing minimithi ng bawat isa ay naroon ang kasiguruhang may umagang papawi sa dilim ng ating mga gabi. Na sa bawat hakbang ng panahon ay may mga bagong sibol na magtataguyod ng mga kinagisnang tradisyon at prinsipyo tungo sa walang katapusang pag asa.

Dapat pa bang itanong natin kung para kanino? Maaaring para sa ating sarili ngunit higit sa lahat ay sa mga taong nasa likod natin na umaasa sa ating matagumpay na bukas. Kahit ang karamihan sa kanila ay iniisip na walang magandang maidudulot ang ating samahan ngunit hindi lang iilang beses nilang hinangaan ang tibay at kabuluhan ng ating samahan. PARA SA WALANG HANGGAN PAGKAKAIBIGAN....KAMPAI...


'di ba ang sweet? ang Casino De Coabte ay nabuo taong 1999. parang nagmerge ang dalawang grupo nun sa College of Office Administration and Business Teacher Education (COABTE) hanggang sa lumaki nang lumaki at kahit hindi mga taga-COABTE ay nakisali na rin. hindi ito fraternity katulad ng laging iniisip ng iba, barkada lang ito with or without a cause. surprisingly, hanggang ngayon ay may CDC pa rin sa PUP. makikita n'yo sila sa 3rd floor, East Wing. matagal ko na silang hindi nakikita pero i'm sure CDC pa rin ako at hindi na mawawala yun. kung sakaling makita nyo sila, ikamusta nyo na lang ako. pakisabi sa kanila miss na sila ni welfunk.

2 comments:

Unknown said...

haha....
tol remember ko ang gabi na panabasa mo sakin to...
kila chester tayo umiinom and after ng inuman uwi tayo dalawa...
and then na hold up tayo sa recto mga 4 am, badtrip talaga. ok lng n mawalan ako ng gamit at pera, pero ang ndi ko matanggap nawala yung kopya ng makasaysayang likha at obra mo at ang masaklap pa nun ang BAHO NG HUMOLDAP SA KIN.. hehe natulog tuloy tayo sa bahay ng kuya ding mo ng di oras naka hiram p me ng pamasahe.... tnx tol...

iba ka talaga multi talented...
isa na lng ata and ndi mo kayang gawin ang mag luwal ng sanggol.

hehehe..... ingat tol....(pare)

HAIL CDC

Unknown said...

tol request nga pala>>>>
gawa ka naman ng kanta para sa tropa yun lng po...

mis k na namin....

GOD BLESS..


HAIL CDC