naisip mo na ba kung ano ang gusto mo pag namatay ka? OO, pag namatay ka. kadalasan kasi pag bata ka tatanungin ka "ano ang gusto mo paglaki mo?". gustuhin man natin o hindi, dun din naman tayo lahat pupunta kaya ako inilista ko na kung ano ang mga gusto kong tugtog para sa funeral march ko. yun lang ang gusto ko. kung mabibigyan ako ng funeral march sa libing ko, gusto ko lang na patugtugin yung mga inilista kong kanta. hindi na ako hihingi ng magarbong burol, ginintuang ataul at maraming bulaklak na hindi naman maganda ang amoy. ayoko rin sana ng may sugal, baka kasi matalo sa tong-its ang kuya ko at mawalan pa ng pambaon ang mga pamangkin ko! tama na yung may nagkakantahan ng magagandang kanta. kung pwede sana wag mawawala si philip elamparo (ang bestfriend ko), si marlon atienza (bestfriend ko rin.. sana hanggang ngayon) at si edward abratique (pamangkin ko). etong tatlong tao na 'to ang pinakamadalas kong kasama pagdating sa musika at alam nila kung ano ang hilig ko pagdating sa tugtugan. nakalista naman sa baba ang mga gusto kong kanta pag namatay ako. yung iba dito paborito ko pero hindi naman lahat...
Kanlungan - Noel Cabangon
lagi ko kasi 'to kinakanta para sa tatay ko na natutunan na rin ng mga kapatid ko
As I Lay Me Down - Sophie B. Hawkins
Flowers - Rivermaya (gusto ko kantahin ni reynante leonardo)
Eversince the World Begun - Survivors
Angels - Robbie Williams
20 Million - Rivermaya
Heaven Knows (This Angel has Flown) - Orange and Lemons
I Don't Want to Wait - Paula Cole
Minsan - Eraserheads
Same Ground - Kitchie Nadal
Old Photographs - Jim Capaldi
Through the Barricades - Spandau Ballet
Tabing Ilog - Barbie's Cradle
Trouble - Coldplay
I Won't Hold You Back - Toto
When She Cries - Restless Hearts
You'll Be Safe Here - Rivermaya
Umaaraw Umuulan - Rivermaya
Fill Her - Eraserheads
If You're Gone - Matchbox Twenty
Leader of the Band - Dan Foggelberg
Something New in My Life - Stephen Bishop
Himala - Rivermaya (gusto ko kantahin naman ni marlon atienza ito)
gusto ko rin sana kantahin ng kuya cris ko yung 'skyline pigeon' at ng kuya ding ko yung 'tao' ni sampaguita..
so far, ito lang ang naiisip ko pero alam ko marami ito e. yun bang tipong pag nakahiga ka at walang maisip. next time pag-iisipan ko naman kung ano ang ilalagay sa lapida ko, hehehe!!!
Wednesday, September 5, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment