nasaan na kaya si eugene ngayon? isa s'ya sa mga matatalik kong kaibigan na nakatatak na sa puso ko at masasabing parte rin ng buhay ko. matagal na rin kaming nawalan ng komunikasyon. sa pagkakatanda ko, nagtatawagan pa kami kahit nung nangibang-bansa na ako. nagtext din ako sa kanya nung nakaraang birthday n'ya pero hindi naman s'ya nagreply. nung unang balik-bayan ko, nagkita pa kami sa inuman pero saglit lang. hindi ko alam pero bigla na lang nawala ang komunikasyon namin.
napaka-loyal na kaibigan ni eugene. Ugin s'ya kung tawagin namin at Ulikba naman ang pang-asar sa kanya, maitim kasi s'ya. gusto n'ya rin na tawagin namin sya'ng Hydro pero hindi namin pinapansin. isa s'yang emosyonal na tao at mararamdaman mo ang sinseridad n'ya kapag nagshi-share s'ya ng payo o opinyon sa'yo. hindi ko makalimutan nung napaiyak s'ya dahil nalaman n'ya na tumikim kaming tatlo n'yang kaibigan ng bawal na gamot. nahiya ako sa sarili ko nun at syempre sa kanya rin. hindi ko akalain na ganun kalaki ang malasakit n'ya sa amin na mga kaibigan n'ya. s'ya rin ang unang nagalit nung malaman n'ya na sumali ako sa isang fraternity nung college.
masarap na kasama si eugene, kwela at makulit. laging game sa gimikan at ang pinakamaganda, laging bukas ang bahay nila sa inuman. nung college pa kami, sa bahay nila ang pinakamadalas na venue ng inuman namin. madalas kasing wala dun ang magulang n'ya kaya ok lang. tsaka kahit andun naman ang magulang n'ya wala rin problema kasi mas gusto nila na dun lang kami sa bahay nila kesa kung saan-saan pa pumunta. hindi naman kasi kami ang tipo na sa bar nag-iinuman kasi hindi naman kami mayayaman. nakakamiss talaga... nasa'n na kaya si eugene?
eugene, kung ano man ang pinagkakaabalahan mo ngayon, gusto ko lang malaman mo na miss na miss na kita. alam ko na masaya ang buhay mo kasama ang asawa mo at balita ko dalawa na ang anak mo at masaya rin ako para sa'yo. sana lagi mong tatandaan na isa ako sa mga kaibigan mo na hindi ka nakakalimutan. maaaring lumayo ako pero hindi nawala sa isip at puso ko ang mga kaibigan na katulad mo. mag-iingat ka palagi 'dre at ingatan mo rin ang pamilya mo. keep on rockin', HYDRO!!!
Wednesday, January 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
eto lang aq at nagnanakaw ng paraan para makita kau at makausap dahil s hirap ng sked q, bahay trabaho n lang aq ngayon pero ang tanging hiling q lang ay makasama ulit kau ng buo khit sandali ngunit mahirap n yata mangyari dahil sa may sarisariling buhay n ang bawat isa. ingat n lang plagi s pang araw araw n buhay ntin. mis n mis q rin kyong lahat.
Post a Comment