ilang bwan ko na ring iniisip kung ano ang nangyari sa pamangkin ko'ng si edward. hindi ko malaman kung ano ang nangyari sa kanya at bigla na lang s'yang nagbago. hindi ko maikakaila na s'ya ang pinaka-close na pamangkin sa akin. nasubaybayan ko ang paglaki n'ya dahil hindi naman ganun kalayo ang agwat ng edad naming dalawa.
tanda ko pa nun pag nagbabakasyon s'ya sa bukid, halos lagi kaming magkapulupot. lagi s'yang nakaangkas sa bike ko kahit saan ako magpunta at nung lumaki na ako, motor naman ang pinag-angkasan namin. hindi ko makalimutan nung minsang umuwi na sya sa maynila para sa pasukan. sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, isinuot ko ang pinagbihisan n'yang damit sa unan na ginagamit n'ya at yun ang katabi ko sa pagtulog. napagalitan pa ako ng nanay ko dahil hindi raw makakatulog si edward sa maynila pag ganun... namiss ko talaga sya nun!
nung tumira na ako sa bahay nila para sa pagkokolehiyo ko, mejo iba ang samahan namin dun. hindi katulad sa bukid na kaming dalawa palagi ang magkasama, dun kasi marami syang kalaro na kasing-edad nya. pero hindi pa rin nawawala ang pagiging malapit namin.. sa pagkakaalala ko, grade 5 na sya hinahalikan ko pa sa pisngi bago matulog. sya rin ang kasama ko sa CR pag gabi nung nag-uumpisa akong magyosi ng patago. nagkahiwalay na lang kami nung lumipat na sila sa sta. rosa at tuloy pa rin ako sa kolehiyo. tuwang-tuwa ako sa kanya nung malaman ko na nag-aaral din sya ng gitara. naisip ko nun 'siguro idol ako ni edward' kahit hindi naman siguro, parang ang sarap lang isipin na ang paborito mong pamangkin ay sinusundan ang yapak mo....
sa madaling salita, masaya ako sa naging paglaki nya hanggang sa pagbibinata. nagulat na lang ako sa mga nangyayari sa kanya ngayon. hindi ko alam kung bakit nya pinabayaan ang pag-aaral nya at nakapagdesisyon sya na itigil na lang ito. nakakapanghinayang... nasa kanya na ang lahat ng kailangan nya, mag-aral na lang ang gagawin nya o kahit pumasok na lang sa eskwela, tinanggihan nya pa! samantalang yung iba nagkukumahog para lang makapag-enroll, nagmamakaawa sa adviser para lang makapag-exam.
wala akong makitang dahilan para magkaganun sya, maayos ang pamilya nila, binibigay sa kanya ang luho, pinapayagan sya mag-inom at kahit magyosi, o kahit anong gawin nya andun pa rin ang suporta... pero bakit ganito ang isinukli nya sa magulang nya?
gusto kong isipin na dumadaan talaga ito sa pagiging binata. kahit ako naman bumarkada, uminom, nanigarilyo, nagdrugs pa ako, sumali pa ako sa fraternity, nagbanda rin ako... pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na hindi na ako mag-aaral at iistambay na lang. kung tutuusin, mas brutal ang mga dinaanan ko pero hindi naman ako nag-isip na mas masarap gawin yun kesa magtapos ng pag-aaral.
umaasa ako na sa pagkikita namin pag-uwi ko, mabigyang liwanag ko ang pag-iisip nya... lumang linya na siguro pero napakahalaga ng edukasyon. sana magising sya sa pagkakahimbing nya sa maling panaginip...
edward, wag mong ipagmalaki ang mga bagay na nakaya mong iwasan. it is not bad to move around and see things but please don't forget to go through the right direction. you can stop for a while to figure out or experience something but you should not stop and do it all along. life is full of happy things and it can never be found with your 'tropa' alone...
ang totoong tropa, kahit hindi mo kainuman gabi-gabi, kahit hindi mo masamahan sa gimikan, kahit makalimutan mong minsan... hindi nawawala! wag kang matakot na mawalay sa katropa mo dahil dun mo malalaman kung sino ang totoo mong kaibigan...
Monday, March 31, 2008
Saturday, March 22, 2008
jrejorio lakantra ryas
hindi ko namalayan, malapit na palang mag-isang taon simula nung pumanaw ang kuya ringo ko. matagal-tagal na rin pero andun pa rin ang denial. ang hirap naman kasi nung tatlong taon kayong hindi nagkikita tapos bigla na lang sasabihin sa'yo na wala na ang kuya mo.
si kuya ringo, bilib ako sa taong yun! pero bilang kuya ko, hindi ko sya masyadong nakasama at nakabarkada. hindi katulad ng dalawa ko pang kuya na katulad ko ring luku-luko, hehe! sya kasi medyo seryoso sa buhay, organized kumbaga. nagkasama lang kami nung kunin nya ako papunta dito sa uae. oo, sya ang dahilan kung bakit ako napunta dito kaya utang ko sa kanya kung ano ang meron ako ngayon.
nung magkasama kami sa bahay, dun ko lang nakita kung pano sya mamuhay at kung gaano sya kadisiplinadong tao. sa kanya ako nakakita ng 'talaarawan' na akala ko ay isang project lang nung elementary pa ako. nakasulat sa isang papel na nakadikit malapit sa pintuan ang mga bagay na gagawin nya sa loob ng isang linggo. mahilig sya sa prutas at conscious sa kalusugan kaya nagtataka ako kung pano syang inatake habang naglalaro. hindi ko makakalimutan ang bilin nya sa akin bago sya umalis papuntang new zealand. pag sumusweldo na raw ako, wag ko daw naman ipapadala lahat sa pilipinas ang kinikita ko. kailangan ko rin daw maglibang at maglaan ng para sa sarili ko dahil ako daw ang nagpapagod para dun. ang akala ko kabaliktara nun ang sasabihin nya sa akin.
simula nung umalis sya, puro na lang email ang naging komunikasyon namin. ilang araw bago sya namatay, nag-email sya sa akin at nagpapabili ng wall-mounted na hanger na katulad daw nung nasa bahay namin dati na hindi ko naman maalala kung ano yun at tsaka contact lens para daw hindi sya nahihirapan sa paglalaro nya ng basketball na kinahihiligan nya ng mga panahong yun. hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan nya pang sa akin magpabili nun e meron naman dun. napagtanto ko na lang na naglalambing siguro s'ya kaya humihingi ng mga simpleng bagay na yun. nakakalungkot isipin na hindi ko pa nabibili ang contact lens nya ay nawala na sya.
lahat ng pinagsamahan namin ay alaala na lang... lahat ng mga bilin nya at payo, mananatiling nakatanim sa utak ko. alam ko nasa tabi-tabi lang sya kasama ang tatay na nanonood sa amin...

Subscribe to:
Posts (Atom)