Sunday, August 24, 2008

kaya mo bang maging langgam?

hindi ko makakalimutan ang kwentong narinig ko mula sa kalaro ko (si elmer marasigan na pinsan ko rin) nung bata pa ako. sa t'wing may mapapatay akong langgam (guyam sa amin), naaalala ko ang kwentong yun at napapangiti na lang ako. hindi ko alam kung saan nya nakuha ang kwento o alamat na yun dahil lumaki ako na walang nabasang ganun sa lahat ng libro na nahawakan ko simula elementarya hanggang kolehiyo. ganito ang napakaikling kwento nya sa pagkakaalala ko:

nung unang panahon daw, nagdesisyon si Bathala na bigyan ng kamandag ang mga hayop bilang proteksyon sa mga tao na maaaring maging banta sa buhay nila. isa-isang kinausap ni Bathala ang bawat uri ng hayop at marami rin ang humingi ng kamandag para sa kanilang kapakanan. pagdating sa mga langgam, tinanong ni Bathala ang kanilang pinuno "ano ang gusto ninyo, mamamatay ang bawat taong makagat ninyo o kayo ang mamamatay sa bawat pagkagat ninyo sa kanila?" - ang nag-iisang tanong ni Bathala sa lahat ng uri ng hayop. mabilis na sumagot ang kanilang pinuno at sinabing, "kung pipiliin po naming mamatay ang bawat taong makakagat namin, maaari silang maubos sa dami ng aming bilang! mas gugustuhin ko na lang pong kami ang mamatay sa bawat pagkagat namin sa kanila at mag-iwan na lang ng pantal para maalala nila ang aming sakripisyo" ang mapagpakumbabang sabi ng langgam na s'ya namang tinupad ni Bathala.

maliwanag na hindi ito totoo at isang kwento lamang pero mapapaisip ka pa rin dahil sa t'wing may langgam na kakagat sa'yo, karaniwang namamatay sila dahil tinitiris natin sila. ilang langgam na ba ang kumagat sa'yo na hindi mo napatay? minsan nga nakita mo lang na gumagapang pinapatay mo di'ba? kahit alam kong hindi ito totoo at isang alamat lang na hindi ko nga alam kung saan nakuha ng pinsan kong yun, humahanga ako sa mga langgam dahil sa pinili nilang sakripisyo. nariyan ang mga ahas, aso, may gagamba at kung anu-ano pang hayop na may kamandag na maari mong ikamatay pag nakagat ka nila pero ang langgam, pinili nilang sila ang mamatay sa bawat pagkagat nila sa tao.

kaya kung may langgam na kakagat sa inyo, magpasalamat kayo na pantal lang ang inabot ninyo at hindi kamatayan dahil kung iba ang naging desisyon ng mga langgam... baka ubos na ang tao sa mundo ngayon!

Saturday, August 23, 2008

noel cruz' gallery
















pictures taken by my good friend, Noel Cruz, who is spending his vacation in the Philippines now. Noel is a co-worker and a close friend of mine. like me, he is an enthusiast and a beginner in photography. if you want to see more of Noel's photos or view his profile, you can visit his friendster account at http://profiles.friendster.com/zurcleon


Saturday, August 2, 2008

bakit di ko mabuksan ang blog ko?

whew!!! muntik na yun a!

kinabahan ako kanina kasi hindi ko maview ang blog ko. palaging may lumalabas na 'internet operation aborted' kapag binubuksan ko yung URL ko. akala ko may virus ang computer ko tulad nung nangyari dati na hindi ko mabuksan ang youtube kaya sinubukan ko agad sa ibang pc. to my surprise, hindi rin mabuksan at ganun din ang message... lalo akong kinabahan!

namputsa, sabihin nating basura lang ang laman nito para sa iba pero treasure ito para sa akin. dito ko ikinulong lahat ang mga saloobin at ang mga kacornihan ko. paminsan-minsan, masarap balik-balikan ang mga bagay-bagay, paulit-ulit at walang sawa. kaya talagang kinabahan ako nung hindi ko mabuksan ang blog na ito.

mabuti na lang at umiral ang kakulitan ko at salamat sa internet dahil nahanap ko rin ang solusyon. kahapon pala, nagkaproblema ang blogger sa spambot nila kung anuman yun! hindi lang ako sigurado pero halos lahat yatang blog ng blogger ay hindi rin mabuksan tulad nung saken at yung iba pa ay nadetect as spam at pwedeng i-delete kung hindi ipapareview sa blogger.com. sa kakabasa ko, nadiskubre ko na yung sitemeter ko pala ang dahilan kaya hindi ko mabuksan ang blog ko. ang sitemeter ang nagbibilang kung ilang visitor ang nagpupunta sa blog mo. kaya agad-agad kong dinelete ang page element na yun at AYOS! nabuksan ko agad ang blog ko!!!

ang tanong lang, pano kung maulit na naman ang ganung problema at mas malala na? sabihin na nating halos lahat makukuha at magagawa mo sa internet pero hindi pa rin ito ang pinaka-safe na bagay. it can be very clever and amusing but it can also be very dangerous if we depend everything on the internet.

Man can easily destroy anything that is man-made.