Monday, November 24, 2008

larawan

ako ay isang masayahing tao pero may mga hindi maiiwasang pagkakataon na nagiging sentimental din ako. nung matanggap ko ang dalawang pictures na nasa baba mula sa isang katropa ko sa college, hindi ko napigilang mapaluha sa saya na nakita ko ulit ang lugar na naging cradle ko o pangalawang tahanan nung nasa kolehiyo pa ako at kasama na rin dito ang mga kaibigan ko na isa sa mga naging gabay ko sa kung ano ako ngayon.

corny ang drama pero minsan ok lang maging corny at lahat tayo ay dadaan at dadaan sa pagiging corny...

ito ang East Wing sa 3rd floor ng main building ng Polytechnic University of the Philippines. dito nabuo ang CDC na kinabibilangan ng lahat na kasama sa litratong ito. sila sina Reynante Leonardo (may hawak ng cellphone, bagong uso palang ang text nun) - Nante Voice kung tawagin dahil sya ang bokalista ng banda namin. sya ang pinakanakakaangat sa tropa, me kotse sya at maraming pera. Katabi n'ya ang magsyota pa nun na mag-asawa na ngayon na sina Mac at Jun Rentosa - si Jun ang madalas na tumatayong lider ng tropa although hindi naman nya ina-assume ang posisyon na yun, body-builder sya at emosyonal na tao. katabi naman nila ang magsyota nun pero nawala na rin na sina Augusto Sacil at Susan - si August o Og ang isa sa komedyante ng tropa, magaling din sya magdrawing at sumayaw. mahilig din sya kumanta ng mga ballad at palagi nya kinakanta ang Think of Laura ni Christopher Cross. sa baba naman ni Nante si Edison San Agustin - si Bato kung tawagin namin dahil sa katawan nya. sya ang nagbigay sa akin ng picture na ito, mga isang bwan na ang nakakaraan. mahilig naman sya sa mga alternative na kanta at madalas sya ang subject ng mga joke lalo na ni Og pero hindi naman sya napipikon. katabi nya si Jerry - hindi ko maalala ang apelyido nya pero isa sya sa mga kaclose ko. nung time na mabuo ang CDC, graduate na sya pero palagi pa rin sya nasa PUP. katabi naman ako ni Jerry at sunod sa akin ang pinakabestfriend ko sa lahat... si Philip Elamparo - kami ni Philip ang gitarista ng tropa at kasama namin sa banda si Nante. sa lahat ng kabarkada ko, pinakamarami ang pinagsamahan namin ni Philip. sa katunayan nga kilala sya ng buong pamilya ko dahil hanggang ngayon palagi kaming nagkikita pag umuuwi ako. magkaklase na kaming tatlo simula 1st year college pa at ang tropa namin (kasama si Eugene na wala dito sa picture) at tropa nina August ang nagsimula ng CDC.


dito naman, kasama namin si Alex Dionisio katabi ni August - si Alex o Wangbu o Yosiboy (kasi nagpipilit sya magyosi pag lasing na kahit hindi naman talaga sya nagyoyosi). isa sya sa pinakakwela at cool sa tropa, minsan me sariling mundo. nakasuntukan ko na sya minsan pero hindi naman kami magkaaway nun, depressed lang sya at naghahanap ng outlet. ako naman si gago pinatulan ko pero pinagtatawanan lang namin ang 'suntukan' the next time na nagkita kami. magkasama rin kaming naholdap minsan sa Recto. sa gitna naman nina Alex at Philip ay si Albert Libuna - Berto ang tawag sa kanya at kilala sya ng lahat dahil sa bahay nila palagi ang hang-out ng tropa pagkatapos kumain ng goto sa tabi ng simbahan ng Pureza. maraming historical events ng tropa ang naganap sa bahay nina Berto at maraming beses rin na nagalit ang nanay nya dahil sa kaguluhan ng barkada namin. sya rin ang drummer ng banda namin.

yan po ang mga kwento ng mga taong nasa dalawang picture na yan. ilan lang sila sa mga myembro ng CDC na nung huling bilang ko ay nasa mahigit limampu na yata. hanggang ngayon ay meron pa ring mga tao sa PUP na tinatawag ang sarili nilang CDC. alam kong wala na sa kanila ang nakakakilala sa amin pero masaya kami na hanggang ngayon ay may nagpaptuloy pa rin ng nasimulan namin. ewan ko kung pareho pa rin kami ng mga paniniwala pero sana minsan, magkasama-sama ulit lahat ng CDC...

Hail CDC!

No comments: