Dumarating tayo sa estado ng buhay natin na akala natin OK na tayo, 'natapos na rin ang bagyo, oras na para sa katahimikan', wika mo sa sarili mo. Sinabi mong tama na, masalimuot ang laro ng pag-ibig, you've had your share, tama ng sukli ang bunga ng isang maling relasyon na paglalaanan mo ng buong buhay mo. Kahit pa sinasabi ng mga tao sa paligid mo na kailangang may kasama ka sa pagtanda, ngingiti ka lang at kokontrahin mo sila sa isip mo, 'masaya na ako sa ganito'.
Sa kalagitnaan ng inaakala mong katahimikan, bigla kang may nakasabay, nakakwentuhan, nakapalagayan ng loob hangang sa nahulog na ang loob mo sa kanya. Hindi inaasahang pangyayari na taliwas sa 'masaya na ako sa ganito' - paniniwalang akala mo totoo. Kakaibang saya ang dinala nya sa buhay mo kahit na nahirapan kang maintindihan sya nung una. Tinanggap mo sya, binuksan mo ang pintuan ng buhay mo para lang sa kanya dahil handa kang papasukin sya anumang oras na gustuhin nya. Ganunpaman, wala kang itinago sa kanya kung ano ka. Alam nya kung nasan ang mga butas at depekto ng buhay o pagkatao mo. Isang bagay na nagbibigay sa kanya ng pag-aalinlangan kung papasok ba sya at magiging parte ng buhay mo.
Masakit para sayo ang ganitong sitwasyon. Pero wala kang karapatang umalma kasi ikaw ang may depekto. Hihilahin mo ba sya sa sitwasyong kinalalagyan mo? Kahit na alam mong kaya mo syang pasayahin, andun yung alalahanin na hindi mo maibibigay ang LAHAT sa kanya! Napakaperpekto ng lahat sa paningin at pakiramdam mo kaso palaging lumalabas at sumusulpot yung isang bagay na hindi mo alam kung maibibigay mo ba sa kanya pero syang lagi nyang hinahanap.
Ano ba ang tamang gawin? Ang dali sanang lumayo na lang, tumalikod na lang ng walang lingunan. Kung tutuusin sarili mo rin ang nasasaktan dahil sa hindi pantay o mababang pagtingin sayo dahil sa nakaraan mo, bakit mo pa hahayaang makapasok sya sa buhay mo para lang saktan ka pa lalo? Wala kang depekto! Hindi depekto ang mga pagkakamali sa buhay. Sinabi mong wala kang mapapatunayan kung lalakad ka lang palayo. Meron siguro. Mapapatunayan mo na pwede kang lumayo sa taong mahal mo na hindi handang maging masaya sa kung ano ka at ano ang kaya mong ibigay.
Tuesday, March 10, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment