bakit ang sabi nila high-school life daw ang pinaka-memorable sa buhay ng tao. naniniwala ba kayo dun? bakit parang hindi yata nag-aapply sa akin yun? abnormal ba ako?
sa akin kasi, highschool sucks! i was only a mediocre student living a mediocre life when i was in highschool. yun bang tipong hindi ako nagSHINE, hehe!!! marami naman akong kaibigan at lagi rin naman ako sa section one pero wala talaga akong maisip na masarap i-cherish nung highschool. ang natatandaan ko lang madalas ako pag-initan ng pari (sa catholic school kasi ako) at ilang beses din akong ipinahiya. pinapunta ba naman ako sa harapan pagkatapos ng misa at sinabi sa mga tao na hindi raw ako nakikinig ng kakatapos lang na misa nya; at ilang beses pa na tinira nya ako. dun nag-umpisa ang galit ko sa mga pari at sa simbahan na dala-dala ko pa hanggang ngayon. ni hindi ako nagka-syota nung highschool (pangit kasi!), haha!!! ang alam ko lang na magandang nangyari sa akin ay nung magkahilig akong maggitara at nag-umpisang mag-aral sa pagtugtog. pero nung sumali naman kami sa contest para sa mga combo sapaw na naman ako. ako ang nagcompose (actually, nag-rip ng mga kanta)nung mga tinugtog namin pero hindi naman ako napansin, yung gitarang ginamit ko ni hindi nilagyan ng mic. tanda ko pa nga nun pagkatapos naming tumugtog tinanong nung isa kong classmate kung sino ang gumawa nung mga lyrics ng kanta, ang sabi ko ako sagot ba naman sa akin imposible daw yun! gago yun a!!!
pero nung magcollege na ako, dun ako naging tao. dun ako nahubog sa kung ano ako ngayon. liberal ang kapaligiran nun, hindi ko naramdaman ang diskriminasyon. hindi tulad nung highschool na nakatatak sa isip ko na taga-bukid kasi ako. dito ko nakita ang mga tunay na kaibigan, nung highschool wala ako maisip na best-friend pero sa college marami. dito ko nailabas ang totoong ako, nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili at marami akong natutunan na wala sa curriculum ng unibersidad. sa madaling-salita, ang taong sumulat nito ay produkto ng mga karanasan nya nung college pa sya at hindi nung highschool.
totoo yun, kung pababalikin ako sa pag-aaral, college ang pipiliin ko. wala naman akong galit sa mga naging kaibigan ko sa highschool pero mas natuto at mas naramdaman ko ang pagpapahalaga sa akin mula sa mga kaibigan ko nung college na hanggang ngayon ay nakakasama ko pa ilang taon pagkatapos ng graduation.
Tuesday, August 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment