kung mahilig kayo manood ng news, malamang napanood nyo yung smuggled luxury cars sa subic na sinira ng gobyerno. sa totoo lang, hindi ko mapigilang magmura habang pinapanood ko yun. hindi ako makapaniwala sa nakikita ko at hindi ko alam kung ano ang gusto nilang patunayan sa kabulastugang ginawa nila. oo, kabulastugan.
pano'ng hindi magiging kabulastugan yun? isipin mo kung magkano ang halaga ng mga tsikot na yun, ang sabi sa balita nasa P10M daw, approximately. isipin mo yun? sinira nila yung ganun kalaking halaga bago nila ibinenta per kilo na ewan ko kung aabot ng beinte mil.
kahit na isipin mo na ginawa nila yun para ipakita sa mga tao na hindi nila tinotolerate ang smuggling, hindi pa rin tama! sa estado ng Pilipinas ngayon, napakalaking tulong na sana nun sa mga sinalanta ng bagyo na nagsisiksikan sa evacuation center o kung ayaw man nilang ibigay sa taong bayan, sana ginamit na lang nila para hindi na sila mangurakot sa kaban ng bayan ng mga ipambibili ng luho nila. bakit sinira nila tapos ibebenta rin pala as scrap metal? yun na lang ang silipin mo napakalaking kalokohan na! ewan ko kung mali ako pero sana naman pag-isipan nilang mabuti ang mga ginagawa nilang hakbang. gamitan sana nila ng critical analysis yata ang tawag dun sabi ng prof ko sa philosophy. walang ibang tawag dun sa ginawa nila kundi vandalism.
our government or maybe our president is the root of all the stupidity in the philippines. progress is not in their vocabulary, they can only show off... that's all
Saturday, August 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment