Sunday, September 9, 2007

sasali ka ba?

sino sa inyo ang member ng fraternity? alam ko sa college marami n'yan, astig kasi pag fratman ka... siga ang dating at marami kang friends so IN ka, pare! nung nasa kolehiyo pa ako, wala sa hinuha ko ang sumali sa ganyan kasi marami naman akong friends at dugyot ang tingin ko sa mga fratman - mga incompetent ba. isa pang dahilan ay ang bilin sa akin ng magulang ko bago ako pumunta ng maynila para mag-aral na wag na wag daw ako sasali dito.

pero nabingwit ako ng isang paslit na sumali sa frat nila dahil nagtatayo raw sila ng chapter sa unibersidad namin at kailangan daw nila ang suporta ko. nakita kasi nila na marami akong kabarkada at medyo sikat din ako sa kolehiyo namin. ako naman, nabola at nabigla na isang fraternity ang humihingi ng suporta sa akin, mas astig ako sa kanila kung ganun, hehe!! so para umigsi na ang lahat, pumayag akong sumali. nung initiation na, bigla silang dumami. kasama rin pala yung mga taga ibang unibersidad at dun ako dinala sa isang boarding house sa may quiapo. piniringan nila kami (2 kasi kami nun) at bininyagan sa pamamagitan ng sampal kung ilang letra ang 'code name' mo, mabuti tatlong letra lang saken pero unang sampal pa lang parang nakakita ako ng kidlat kahit nakablindfold ako, hahaha! pakatapos nun, inumpisahan na nila ang pamamalo. unang palo pa lang sa akin parang nakaramdam na ako ng dumi na unti-unting bumabahid sa pagkatao ko. 24 na palo sa hita, pasa-pasa sila at parang tuwang-tuwa sa pananakit nila sa taong nakapiring na, nakatalikod pa sa kanila. may isang member pa sila na pinalo rin nila kasi 'foul' daw ang palo sa akin, sa loob-loob ko lang lahat sila foul ang ginagawa bakit 'di nila paluin ang sarili nila? nung matapos na, pinadapa kami at paikot sila sa paligid namin at sabay-sabay na may binibigkas na kung anu-anong kacornihan. at pagkatapos nun, nung patayuin kami panay na ang kamay at pagwelcome sa amin na parang ang sasaya pero kani-kanina lang ay gumugulpi sa amin at ngayon ay 'brod' na ang tawag. malaking kahibangan!

ang sama pa nito, ilang araw pagkatapos nun, nabisto ako sa bahay namin. hiyang-hiya ako sa pamilya ko nun, lalo na sa tatay ko. kahit ang mga kabarkada ko galit na galit sa akin. kung kelan daw ako tumanda tsaka pa nagpauto sa ganun. sa sarili ko naman, me konting pagsisisi pero ang kunswelo ko na lang ay 'at least naranasan ko'. yung fraternity ko, hindi ko na ulit nilapitan pagkatapos nun. kahit anong tawag nila sa akin at pagsumamo na maki-join ako sa kanila, hindi na nila ako napilit. hindi naman nila ako kayang kantiin dahil alam nila na marami akong kabarkada at maraming mas malalaking samahan ang babanggain nila.

dun ko natutunan na kalokohan ang ituring mong kaibigan ang mga taong gumulpi sa'yo. insecure ang mga taong member ng fraternity. marami ang totoong kaibigan na hindi hihingi ng kapalit para ituring kang kaibigan. hindi masusukat ang tibay ng pagkatao mo sa pamamalo sa hita at kung anu-ano pang uri ng hazing. maaaring makitil ang buhay mo pero hindi ang tibay ng pagkatao ang nasukat nila dun. may iba't ibang dahilan ang tao na sumasali sa fraternity. kung anuman yun, siguraduhin nila na kaya nilang panindigan at harapin ang mga consequenses na idudulot nito. kayo naman na mga fratman na naaaliw sa pananakit sa mga walang kalaban-labang neophytes, magpakalalaki naman kayo. pagkatao n'yo ang dapat sukatin.

...at lagi nyo sanang tatandaan na ang taong may pinakamaraming fraternity ay walang iba kundi si John Pratts!

1 comment:

Anonymous said...

Oi, achei seu blog pelo google está bem interessante gostei desse post. Gostaria de falar sobre o CresceNet. O CresceNet é um provedor de internet discada que remunera seus usuários pelo tempo conectado. Exatamente isso que você leu, estão pagando para você conectar. O provedor paga 20 centavos por hora de conexão discada com ligação local para mais de 2100 cidades do Brasil. O CresceNet tem um acelerador de conexão, que deixa sua conexão até 10 vezes mais rápida. Quem utiliza banda larga pode lucrar também, basta se cadastrar no CresceNet e quando for dormir conectar por discada, é possível pagar a ADSL só com o dinheiro da discada. Nos horários de minuto único o gasto com telefone é mínimo e a remuneração do CresceNet generosa. Se você quiser linkar o CresceNet(www.provedorcrescenet.com) no seu blog eu ficaria agradecido, até mais e sucesso. (If he will be possible add the CresceNet(www.provedorcrescenet.com) in your blogroll I thankful, bye friend).