Wednesday, January 30, 2008

nasaan si eugene?

nasaan na kaya si eugene ngayon? isa s'ya sa mga matatalik kong kaibigan na nakatatak na sa puso ko at masasabing parte rin ng buhay ko. matagal na rin kaming nawalan ng komunikasyon. sa pagkakatanda ko, nagtatawagan pa kami kahit nung nangibang-bansa na ako. nagtext din ako sa kanya nung nakaraang birthday n'ya pero hindi naman s'ya nagreply. nung unang balik-bayan ko, nagkita pa kami sa inuman pero saglit lang. hindi ko alam pero bigla na lang nawala ang komunikasyon namin.

napaka-loyal na kaibigan ni eugene. Ugin s'ya kung tawagin namin at Ulikba naman ang pang-asar sa kanya, maitim kasi s'ya. gusto n'ya rin na tawagin namin sya'ng Hydro pero hindi namin pinapansin. isa s'yang emosyonal na tao at mararamdaman mo ang sinseridad n'ya kapag nagshi-share s'ya ng payo o opinyon sa'yo. hindi ko makalimutan nung napaiyak s'ya dahil nalaman n'ya na tumikim kaming tatlo n'yang kaibigan ng bawal na gamot. nahiya ako sa sarili ko nun at syempre sa kanya rin. hindi ko akalain na ganun kalaki ang malasakit n'ya sa amin na mga kaibigan n'ya. s'ya rin ang unang nagalit nung malaman n'ya na sumali ako sa isang fraternity nung college.

masarap na kasama si eugene, kwela at makulit. laging game sa gimikan at ang pinakamaganda, laging bukas ang bahay nila sa inuman. nung college pa kami, sa bahay nila ang pinakamadalas na venue ng inuman namin. madalas kasing wala dun ang magulang n'ya kaya ok lang. tsaka kahit andun naman ang magulang n'ya wala rin problema kasi mas gusto nila na dun lang kami sa bahay nila kesa kung saan-saan pa pumunta. hindi naman kasi kami ang tipo na sa bar nag-iinuman kasi hindi naman kami mayayaman. nakakamiss talaga... nasa'n na kaya si eugene?

eugene, kung ano man ang pinagkakaabalahan mo ngayon, gusto ko lang malaman mo na miss na miss na kita. alam ko na masaya ang buhay mo kasama ang asawa mo at balita ko dalawa na ang anak mo at masaya rin ako para sa'yo. sana lagi mong tatandaan na isa ako sa mga kaibigan mo na hindi ka nakakalimutan. maaaring lumayo ako pero hindi nawala sa isip at puso ko ang mga kaibigan na katulad mo. mag-iingat ka palagi 'dre at ingatan mo rin ang pamilya mo. keep on rockin', HYDRO!!!

Saturday, January 26, 2008

GraPESTE... part II

WOW!!! hindi ko inaasahan na dadagsain ng ganito karaming comments ang post ko last August 07 about graffiti writers. expectedly, lahat sila galit na galit. e sino ba naman ang matutuwa kung pintasan ng iba ang passion mo. ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ngayon lang sila dumating, more than five months old na yung post. whatever the reason is, welcome kayong lahat dito, kesyo pagmumurahin nyo ako o isumpa... OK lang lahat yun! opinyon nyo yan at karapatan dahil masasabing inalipusta ko ang bagay na napakahalaga sa inyo.

habang binabasa ko ulit ang post ko (GraPESTE), napansin ko na medyo may pagkukulang nga ako sa judgment. ni hindi ko nabanggit kung gaano sila kagaling sa paggamit ng spraypaint at makabuo ng isang obra sa loob lang ng ilang saglit. masasabi ko na kahit si picasso ay hindi kayang gawin ang ginagawa nila. at tama sila, makulay naman talaga ang mga pyesa nila. and another thing, FLIP-1, i was really amazed to see you here! nakita kita dun! welcome bro! i appreciate your comment and i might say that he has the only matured comment that i got to think na medyo immature din naman ang post ko kaya SALUDO AKO SA'YO repaps!

sa palagay ko, the first post that i published is made out of hatred of what i saw in The Correspondents. sa totoo lang nainis (obvious naman) ako dun sa part na kinukunan nila ang mga 'bombers' na 'nagkakalat' sa kalye. wala naman sila sinusulat kundi alyas nila or anything. isipin nyo naman kung meron bang magandang dulot yun, that is purely vandalism. yun ba ang tinatawag nyo'ng art? hindi ba paninira lang ito ng bagay na hindi sa inyo? and they pertain to themselves as GRAPISTA? that's why i made a post with graffiti as the main subject. ang sa akin kasi, pag pinakialaman mo ang bagay na hindi sa'yo - kawalang-hiyaan ang tawag dun - a very simple rule. siguro dapat mahiwalay ang mga bombers sa mga totoong grapista kasi may malaking diperensya ang pagkakalat sa paggawa ng art.

enough has been said about this matter. kung magkaiba talaga tayo, walang katapusang debate at murahan ang pupuntahan nito. hindi natin pwedeng ipagsiksikan ang bagay na minamahal natin sa mga taong hindi ito gusto. may karapatan ang bawat isa na tumanggap, tumanggi, mamintas, mapikon at mag-appreciate sa mga kritisismong dumarating. the fact is, kung gusto n'yo na respetuhin ang trabaho n'yo, gawin n'yo ito ng may respeto rin - at ang pagsusulat sa pader ng may pader na walang paalam is absolutely DISRESPECT in the first place.

gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagtatapon ng inyong napakahalagang oras para lang bisitahin ako... malaya nyo'ng magagawa ang kahit ano dito at kung tatanungin nyo ako kung gusto kong papinturahan sa inyo ang pader ko, papayag ako without having any second thoughts.. wag nyo lang babasagin ang mga paso ng halaman ng nanay ko, hehehe!!!

FLIP-1 (SBA) said...
Sup man, Flip-1 of SBA CRU writing. Kakabasa ko lang ng blog mo tungkol sa grapista. Alam ko meron tayong karapatan na i-voice out ang mga opinions natin sa particular na bagay katulad na lang ng graffiti sa Pinas. Meron ka rin point sa sinasabi mo pero hindi lahat ng sinulat mo ay tama. At hindi rin maganda na puro negatibo ang tingin mo sa graffiti art at hindi tinitignan ang positive side nito.Totoo na maraming klaseng graffiti ang hindi magandang tingin sa tao katulad na lang ng mga tags, throw-ups or mga marka ng mga gangs. Pero marami rin mga graffiti na ginawa na may permit at hindi lang legal kundi ma-kulay at napaka detalyado. At least yun sana ma-appreciate mo lalo na ang effort, pride at passion ng mga grapista na nag-chaga na maghanap ng pader, magsulat ng permission, gumawa ng magandang mural at ipakita sa buong mundo kung paano gumawa ng mga Pinoy ng isang magandang aerosol mural.Pwede mong sabihin na tumigil sila pero maraming grapista dito ay hindi titigil kasi yung ang expression nila. Mahirap tigilin ang passion sa isang tao whether gumawa sila ng art or musika.Masyadong mahal ang P200 na spraypaint. At kung meron man, yung ang Krylon na hindi ginagamit ng karamihan ng mga grapista dito. Ang average spraypaint at P90 - P160. Gumagastos ako ng P500 para sa 5 cans at yun nakakagawa nakong ng isang piece. Mas mura na yun kung ikumpara mo sa mga ginagastos mga ibang tao dyan katulad ng mga skateboarders or yung mga mahilig maglaro ng Magic cards.At hindi rin tama sa akin na i-criticize si Bernadette Sembrano na gumawa sya ng documentary tungkol sa grapista. Maganda nga na binigay sya ang positive at negative side ng graffiti di tulad na sinulat mo sa puro negative. If I-Witness can do a documentary about a 30 years man stuck in the 1980s culture, doesn't The Correspondants have the right to make one about the graffiti art scene in Metro Manila?Ang masasabe ko lang ay, hindi maganda kung puro negative ang tingin mo sa graffiti. Kung ganyan ang mga point of view mo sa bagay, nag hanap ka na ng kaaway lalo na sa mga taong na may passion sa ganitong art!
January 25, 2008 2:08 PM

Wednesday, January 9, 2008

angat pinoy!!!

maipagmamalaki mo ang kababayan nating si arnel pineda! ano kaya ang pakiramdam ng isang ordinaryong mang-aawit, na hindi man lang sumikat sa pilipinas, na ni-recruit ng ini-idolo mong banda simula pagkabata para maging lead singer nila? hindi ako makapaniwala at hindi ko lubos ma-imagine kung ano ang nararamdaman n'ya. medyo malaki na ang pakinabang ng mga pinoy sa youtube. kamakailan lang ay si charice pempengco naman ang nadiskubre rin ni ellen de generes at inimbita sa kanyang programa. bibihira ang mga ganitong pangyayari, naalala ko tuloy ang pelikulang 'rockstar' ni mark wahlberg. ito ang pangarap ng bawat musikero na tumutugtog ng musika ng mga idolo nilang banda

Dec 05, 2007
JOURNEY WELCOMES ARNEL PINEDAWITH “OPEN ARMS” TO THEIR FAMILYAS THE BAND’S NEW LEAD SINGER
December 5, 2007 — After much speculation…the wait is finally over.
JOURNEY–Neal Schon (guitar), Jonathan Cain (keyboards), Ross Valory (bass), Deen Castronovo (drums)–is proud to introduce fans all over the world to their new lead singer, Arnel Pineda (“pin-eh-da”). He replaces Jeff Scott Soto, who parted ways with the band earlier this year after stepping in for Steve Augeri, who had to leave the band in 2006 for medical reasons.
Arnel hails from Quezon City in the Philippines and has been singing Journey songs–in addition to original material–with his band, The Zoo, for the past couple of years in clubs all over his homeland. Joining the legendary band is a dream come true for him.“It’s so exciting to sing with one of the best bands in the world. It’ll be a lot of hard work on my part and I’m actually looking forward to the scrutiny I’ll get from the hardcore JOURNEY fans. I know they’ll expect me to sound exactly like ‘the voice’ (Steve Perry), but that will never happen. I know there’s only one Steve Perry in this world.”
When it was time for JOURNEY to look for a new lead singer, the internet came to their rescue. Guitarist Neal Schon wanted someone new to the music business, so he turned to YouTube. After finding Arnel singing “Faithfully,” he knew he had found the perfect frontman.
“I was frustrated about not having a singer,” explains guitarist Neal Schon, “so I went on YouTube for a couple of days and just sat on it for hours. I was starting to think I was never going to find anybody. But then I found The Zoo and I watched a bunch of different video clips that they had posted. After watching the videos over and over again, I had to walk away from the computer and let what I heard sink in because it sounded too good to be true. I thought, ‘he can’t be that good.’ But he is that good, he’s the real deal and so tremendously talented. Arnel doesn’t sound synthetic and he’s not emulating anyone. I tried to get a hold of him through YouTube and I finally heard from him that night, but it took some convincing to get him to believe that it really was me and not an imposter.”
Arnel Pineda picks up the story: “My friend Noel picked up the message on YouTube and told me it was from Neal. I thought it was a hoax so I ignored it. Noel said, ‘what if it really was Neal and he wanted to offer you the chance of a lifetime?’ So I e-mailed Neal back and the rest is history.”
“Arnel brings a soulful and passionate voice to JOURNEY,” continues keyboardist Jonathan Cain. “His personality is very well-suited to our music. He’s a sincere, authentic person with a great smile and a big heart. I think fans are really going to love him. With Arnel’s soaring tenor, Journey returns to our heritage sound.”
Schon agrees, “We feel reborn. I think there’s a lot of chemistry between the five of us. At first we were going to go into the studio and just write 4 songs, but now it’s escalated to a lot of great new and diverse material. The stuff sounds tremendous. Everyone’s so stoked about it. We feel very fortunate to have found Arnel.”
JOURNEY is currently working on a new album with legendary producer Kevin Shirley, which they hope to release by spring/summer 2008. Details will be announced early next year.

makakaramdam ka ng kakaibang saya t'wing may kabayan tayo na umaangat sa nakararami lalo na sa buong mundo. nakakatuwa rin ang mga comment ng mga kabayan natin sa mga videos ni arnel sa youtube. lahat sila PROUD na PINOY, nakakatuwa!

http://youtube.com/watch?v=3fgVQQnImaQ
http://youtube.com/watch?v=6HjcCzgCCX0&feature=related

Tuesday, January 8, 2008

funniepix

gandang araw mga repaps! belated merry christmas at happy new year sa inyong lahat! sana maging maganda ang pasok ng bagong taon hanggang sa maging luma para sa ating lahat.


nitong mga nakaraang araw ay nahilig ako sa pagkuha ng picture, gamit ang aking mobile, sa mga nadadaanan kong kakaibang mga bagay (kadalasan ay signage). dito kasi sa middle east, hindi nila iniintindi ang spelling kaya matatawa ka minsan sa mga makikita mo. narito ang ilan:

isa itong sosyal na resto dito na tipong 'turo mo, luto ko' sa pinas.

nakita ko sa isang pick-up truck na tipong 'lipat-bahay' naman sa atin.


tong susunod, panalo! hahaha!!!

ang pinakabastos na barber shop na nakita ko!


pero walang tatalo dito sa pinakahuli. at ang espesyal pa dito, sa pilipinas ito nanggaling...




hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang pangalan ng karinderya nila. at isipin mo rin na ang pangalang yan ay malamang pangalan din ng taong may ari ng karinderya, haha!! ikaw, gugustuhin mo bang tawagin kang BAYAG?