Monday, September 24, 2007

should i stay or should i go

i have been with a band for maybe a year now. i am playing as a rhythm guitarist but being a flexible player allowed me to play as a bass guitarist and a lead guitarist, as well, when the corresponding bandmates were not able to be in the gig. it was really enjoying to be in a band and i can't deny that i am proud to be with this band that i'm in. i find my bandmates very fun to be with and i enjoy the company.

there is something that makes me want to stop playing but i'm really not sure if i want to leave because i really am a music lover. but sometimes i feel so tired and sometimes i am seeing everything as non-sense. when i think of the Fridays that i should be spending with my wife instead of rehearsing with the band.. when i think of moving the instruments to the venue and moving it back after each gig... it's really exhausting! and to think that we are not getting anything from this but a handshake and thank-you phrases.

but when i think of the sense of achievement that i get when the band was able to cover something.. of the applauses and screaming from the crowd... the thankful audience. i can't tell how happy i am after each successful gig; it just erases the tired feeling. and that's what makes it difficult for me to decide whether i'm staying or i'm leaving!

Sunday, September 9, 2007

sasali ka ba?

sino sa inyo ang member ng fraternity? alam ko sa college marami n'yan, astig kasi pag fratman ka... siga ang dating at marami kang friends so IN ka, pare! nung nasa kolehiyo pa ako, wala sa hinuha ko ang sumali sa ganyan kasi marami naman akong friends at dugyot ang tingin ko sa mga fratman - mga incompetent ba. isa pang dahilan ay ang bilin sa akin ng magulang ko bago ako pumunta ng maynila para mag-aral na wag na wag daw ako sasali dito.

pero nabingwit ako ng isang paslit na sumali sa frat nila dahil nagtatayo raw sila ng chapter sa unibersidad namin at kailangan daw nila ang suporta ko. nakita kasi nila na marami akong kabarkada at medyo sikat din ako sa kolehiyo namin. ako naman, nabola at nabigla na isang fraternity ang humihingi ng suporta sa akin, mas astig ako sa kanila kung ganun, hehe!! so para umigsi na ang lahat, pumayag akong sumali. nung initiation na, bigla silang dumami. kasama rin pala yung mga taga ibang unibersidad at dun ako dinala sa isang boarding house sa may quiapo. piniringan nila kami (2 kasi kami nun) at bininyagan sa pamamagitan ng sampal kung ilang letra ang 'code name' mo, mabuti tatlong letra lang saken pero unang sampal pa lang parang nakakita ako ng kidlat kahit nakablindfold ako, hahaha! pakatapos nun, inumpisahan na nila ang pamamalo. unang palo pa lang sa akin parang nakaramdam na ako ng dumi na unti-unting bumabahid sa pagkatao ko. 24 na palo sa hita, pasa-pasa sila at parang tuwang-tuwa sa pananakit nila sa taong nakapiring na, nakatalikod pa sa kanila. may isang member pa sila na pinalo rin nila kasi 'foul' daw ang palo sa akin, sa loob-loob ko lang lahat sila foul ang ginagawa bakit 'di nila paluin ang sarili nila? nung matapos na, pinadapa kami at paikot sila sa paligid namin at sabay-sabay na may binibigkas na kung anu-anong kacornihan. at pagkatapos nun, nung patayuin kami panay na ang kamay at pagwelcome sa amin na parang ang sasaya pero kani-kanina lang ay gumugulpi sa amin at ngayon ay 'brod' na ang tawag. malaking kahibangan!

ang sama pa nito, ilang araw pagkatapos nun, nabisto ako sa bahay namin. hiyang-hiya ako sa pamilya ko nun, lalo na sa tatay ko. kahit ang mga kabarkada ko galit na galit sa akin. kung kelan daw ako tumanda tsaka pa nagpauto sa ganun. sa sarili ko naman, me konting pagsisisi pero ang kunswelo ko na lang ay 'at least naranasan ko'. yung fraternity ko, hindi ko na ulit nilapitan pagkatapos nun. kahit anong tawag nila sa akin at pagsumamo na maki-join ako sa kanila, hindi na nila ako napilit. hindi naman nila ako kayang kantiin dahil alam nila na marami akong kabarkada at maraming mas malalaking samahan ang babanggain nila.

dun ko natutunan na kalokohan ang ituring mong kaibigan ang mga taong gumulpi sa'yo. insecure ang mga taong member ng fraternity. marami ang totoong kaibigan na hindi hihingi ng kapalit para ituring kang kaibigan. hindi masusukat ang tibay ng pagkatao mo sa pamamalo sa hita at kung anu-ano pang uri ng hazing. maaaring makitil ang buhay mo pero hindi ang tibay ng pagkatao ang nasukat nila dun. may iba't ibang dahilan ang tao na sumasali sa fraternity. kung anuman yun, siguraduhin nila na kaya nilang panindigan at harapin ang mga consequenses na idudulot nito. kayo naman na mga fratman na naaaliw sa pananakit sa mga walang kalaban-labang neophytes, magpakalalaki naman kayo. pagkatao n'yo ang dapat sukatin.

...at lagi nyo sanang tatandaan na ang taong may pinakamaraming fraternity ay walang iba kundi si John Pratts!

Wednesday, September 5, 2007

these are my songs

naisip mo na ba kung ano ang gusto mo pag namatay ka? OO, pag namatay ka. kadalasan kasi pag bata ka tatanungin ka "ano ang gusto mo paglaki mo?". gustuhin man natin o hindi, dun din naman tayo lahat pupunta kaya ako inilista ko na kung ano ang mga gusto kong tugtog para sa funeral march ko. yun lang ang gusto ko. kung mabibigyan ako ng funeral march sa libing ko, gusto ko lang na patugtugin yung mga inilista kong kanta. hindi na ako hihingi ng magarbong burol, ginintuang ataul at maraming bulaklak na hindi naman maganda ang amoy. ayoko rin sana ng may sugal, baka kasi matalo sa tong-its ang kuya ko at mawalan pa ng pambaon ang mga pamangkin ko! tama na yung may nagkakantahan ng magagandang kanta. kung pwede sana wag mawawala si philip elamparo (ang bestfriend ko), si marlon atienza (bestfriend ko rin.. sana hanggang ngayon) at si edward abratique (pamangkin ko). etong tatlong tao na 'to ang pinakamadalas kong kasama pagdating sa musika at alam nila kung ano ang hilig ko pagdating sa tugtugan. nakalista naman sa baba ang mga gusto kong kanta pag namatay ako. yung iba dito paborito ko pero hindi naman lahat...

Kanlungan - Noel Cabangon
lagi ko kasi 'to kinakanta para sa tatay ko na natutunan na rin ng mga kapatid ko
As I Lay Me Down - Sophie B. Hawkins
Flowers - Rivermaya (gusto ko kantahin ni reynante leonardo)
Eversince the World Begun - Survivors
Angels - Robbie Williams
20 Million - Rivermaya
Heaven Knows (This Angel has Flown) - Orange and Lemons
I Don't Want to Wait - Paula Cole
Minsan - Eraserheads
Same Ground - Kitchie Nadal
Old Photographs - Jim Capaldi
Through the Barricades - Spandau Ballet
Tabing Ilog - Barbie's Cradle
Trouble - Coldplay
I Won't Hold You Back - Toto
When She Cries - Restless Hearts
You'll Be Safe Here - Rivermaya
Umaaraw Umuulan - Rivermaya
Fill Her - Eraserheads
If You're Gone - Matchbox Twenty
Leader of the Band - Dan Foggelberg
Something New in My Life - Stephen Bishop
Himala - Rivermaya (gusto ko kantahin naman ni marlon atienza ito)
gusto ko rin sana kantahin ng kuya cris ko yung 'skyline pigeon' at ng kuya ding ko yung 'tao' ni sampaguita..

so far, ito lang ang naiisip ko pero alam ko marami ito e. yun bang tipong pag nakahiga ka at walang maisip. next time pag-iisipan ko naman kung ano ang ilalagay sa lapida ko, hehehe!!!

Tuesday, August 21, 2007

foul

napakasakit sa mata ng napanood kong balita kanina. siguro naman, napanood nyo rin yung ginawa ni bong alvarez kay gretchen malalad ano? pambihira talaga itong si alvarez, ang laking tao, ang laki ng muscles tapos makikita mong sinabunutan ang isang magandang babaeng katulad ni gretchen malalad? WALASTIK na WALANJO pa!!!

hari siguro ang tingin ni bong sa sarili nya na dapat lahat ng gustuhin nya ay susundin ng nasa harapan nya. bugbugin n'ya ba naman ang walang kalaban-labang taxi driver mula sa likod? at hindi pa nakuntento, ang akala siguro nasa basketball court, siniko pa ang reporter na gustong makakuha ng scoop. bakit n'ya babawalan yun? yung mga ordinaryong tao nga nilalagay nila sa balita s'ya pa kaya e celebrity s'ya! ang sama ng pakiramdan nung makita kong sugurin nya si gretchen at hinila-hila nya sa buhok. pagkatapos hihingi sya ng pasensya na nabigla lang sya sa harap ni gretchen, lakas mo teng!!!

makikita mo sa kilos ng tao ang kapasidad nya. 'yung mga taong hindi kayang mag-isip, lakas na lang ang ginagamit. alam ko minsan nabibilang ako sa mga ganito pero nagawa ko namang magbago. ang mga taong may utak, nakapagpagalaw ng mga bagay na hindi gumagamit ng pisikal na lakas; ang mga taong walang utak, gumagamit ng pisikal na lakas para mapatigil ang kakayanan ng taong may utak. bong alvarez, ok lang sana kung kapwa mo lalaki ang ginaganyan mo, at sana lumaban ka ng patas. hindi nasusukat ang pagkalalaki sa dami ng taong nagulpi mo, lalo lang nahahalata ng mga tao na wala kang bayag!

ano'ng pipiliin mo?

bakit ang sabi nila high-school life daw ang pinaka-memorable sa buhay ng tao. naniniwala ba kayo dun? bakit parang hindi yata nag-aapply sa akin yun? abnormal ba ako?

sa akin kasi, highschool sucks! i was only a mediocre student living a mediocre life when i was in highschool. yun bang tipong hindi ako nagSHINE, hehe!!! marami naman akong kaibigan at lagi rin naman ako sa section one pero wala talaga akong maisip na masarap i-cherish nung highschool. ang natatandaan ko lang madalas ako pag-initan ng pari (sa catholic school kasi ako) at ilang beses din akong ipinahiya. pinapunta ba naman ako sa harapan pagkatapos ng misa at sinabi sa mga tao na hindi raw ako nakikinig ng kakatapos lang na misa nya; at ilang beses pa na tinira nya ako. dun nag-umpisa ang galit ko sa mga pari at sa simbahan na dala-dala ko pa hanggang ngayon. ni hindi ako nagka-syota nung highschool (pangit kasi!), haha!!! ang alam ko lang na magandang nangyari sa akin ay nung magkahilig akong maggitara at nag-umpisang mag-aral sa pagtugtog. pero nung sumali naman kami sa contest para sa mga combo sapaw na naman ako. ako ang nagcompose (actually, nag-rip ng mga kanta)nung mga tinugtog namin pero hindi naman ako napansin, yung gitarang ginamit ko ni hindi nilagyan ng mic. tanda ko pa nga nun pagkatapos naming tumugtog tinanong nung isa kong classmate kung sino ang gumawa nung mga lyrics ng kanta, ang sabi ko ako sagot ba naman sa akin imposible daw yun! gago yun a!!!

pero nung magcollege na ako, dun ako naging tao. dun ako nahubog sa kung ano ako ngayon. liberal ang kapaligiran nun, hindi ko naramdaman ang diskriminasyon. hindi tulad nung highschool na nakatatak sa isip ko na taga-bukid kasi ako. dito ko nakita ang mga tunay na kaibigan, nung highschool wala ako maisip na best-friend pero sa college marami. dito ko nailabas ang totoong ako, nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili at marami akong natutunan na wala sa curriculum ng unibersidad. sa madaling-salita, ang taong sumulat nito ay produkto ng mga karanasan nya nung college pa sya at hindi nung highschool.

totoo yun, kung pababalikin ako sa pag-aaral, college ang pipiliin ko. wala naman akong galit sa mga naging kaibigan ko sa highschool pero mas natuto at mas naramdaman ko ang pagpapahalaga sa akin mula sa mga kaibigan ko nung college na hanggang ngayon ay nakakasama ko pa ilang taon pagkatapos ng graduation.

wahooohoooo!!!

wahooohooo!!! may bago akong effects! sa wakas nakabili na rin ako ng matagal ko nang pinapangarap na guitar effects! matagal na kasi akong humahanga kung pano ba gamitin yung multi-effects na nakikita ko sa mga professional na gitarista at sabi ko sa sarili ko, hindi ko malalaman yun kung hindi ako magkakaroon nun. hindi naman ako magaling na gitarista, bobo nga ako sa lead e pero mahilig ako mag-eksperimento sa tunog. hindi ako kuntento sa iisang tunog lang sa isang kanta. eto nga pala ang effects na nabili ko.


ganda 'no?! inggit kayo? wag kayong mainggit kasi hindi ko pa naman alam kung pano gamitin yan e, hahaha!! pag-aaralan ko pa lang kaso wala nga pala sa akin ang gitara ko, pano ba 'to?! badtrip naman o!!!

Saturday, August 18, 2007

GraPESTE

uso na rin pala sa atin ang grafitti writings on the wall, hehe! kakatuwa 'no? ang galing talaga natin sa panggagaya. nauso sa states yun nung 80's pa yata kung hindi ako nagkakamali tapos ngayon nasa Pinas na at proud na proud ang mga 'grapista' sa mga nagagawa nila.

eto ang tanong: ano ba ang naitutulong nung grafitti writing sa komunidad? ang sagot: WALA! sakit sa mata ng nakararami, problema ng mga me-ari ng pader (papapinturahan pa nila ulit yun sigurado) at kaligayahan para sa nagsulat nun na wala namang nakalagay kundi alyas nya. achievement daw yun. e buti sana kung ang nakasulat dun ay words of wisdom na magpapatatag ng determinasyon ng makakabasang pinoy kaso hindi. wala kang makikita kundi makasariling pagpapahayag ng pangalan nila, astig 'di ba?! pakshet!

magkano ang ginagastos nila sa vandalism na ito? ang isang aerosol paint siguro ay nasa P200 ang pinakamura, e hindi naman sila gumagamit ng iisang kulay lang at hindi naman habam-buhay ang laman ng isang lata nun. napakamahal na kalokohan na saglit lang at kayang sirain ng kung sino mang mapadaan sa pader na yun. bakit hindi sila magpinta sa canvass, dun nila ipakita ang tunay na art at kung ga'no talaga sila kagaling. dagdagan nila ang history at wag nilang sirain sa paraang bandalismo. gumagastos sila ng napakalaking halaga na wala namang naitutulong sa iba. sinisira lang nila ang kapaligiran para lang sa pansariling kaligayan (ewan ko kung ano ang nakakapagpaligaya sa kanila dun), selfish 'di ba? ok lang sana magpakaligaya kung walang ibang naiinis sa ikinaliligaya mo.

nagtataka nga ako kung bakit pinag-aksayahan ni bernadette sembrano ng panahon sa correspondents yun e. parang tinotolerate at sinusuportahan pa nila ang mga balahurang ito na ipagpatuloy ang kalokohan nila, pathetic. mga GRAPESTE, este, grapista (kuno) pala, tigilan nyo na yan. yung ginagastos nyo d'yan ipunin nyo pambili ng load tapos humanap kayo ng textmate. i'm sure pag me syota na kayo at me katabi sa gabi hindi nyo na pag-aaksayahan ng panahon yan.. sasabihin nyo na me nakita na kayong bagong kaligayahan. hindi pa kayo magkakasakit sa baga!