Saturday, January 26, 2008

GraPESTE... part II

WOW!!! hindi ko inaasahan na dadagsain ng ganito karaming comments ang post ko last August 07 about graffiti writers. expectedly, lahat sila galit na galit. e sino ba naman ang matutuwa kung pintasan ng iba ang passion mo. ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ngayon lang sila dumating, more than five months old na yung post. whatever the reason is, welcome kayong lahat dito, kesyo pagmumurahin nyo ako o isumpa... OK lang lahat yun! opinyon nyo yan at karapatan dahil masasabing inalipusta ko ang bagay na napakahalaga sa inyo.

habang binabasa ko ulit ang post ko (GraPESTE), napansin ko na medyo may pagkukulang nga ako sa judgment. ni hindi ko nabanggit kung gaano sila kagaling sa paggamit ng spraypaint at makabuo ng isang obra sa loob lang ng ilang saglit. masasabi ko na kahit si picasso ay hindi kayang gawin ang ginagawa nila. at tama sila, makulay naman talaga ang mga pyesa nila. and another thing, FLIP-1, i was really amazed to see you here! nakita kita dun! welcome bro! i appreciate your comment and i might say that he has the only matured comment that i got to think na medyo immature din naman ang post ko kaya SALUDO AKO SA'YO repaps!

sa palagay ko, the first post that i published is made out of hatred of what i saw in The Correspondents. sa totoo lang nainis (obvious naman) ako dun sa part na kinukunan nila ang mga 'bombers' na 'nagkakalat' sa kalye. wala naman sila sinusulat kundi alyas nila or anything. isipin nyo naman kung meron bang magandang dulot yun, that is purely vandalism. yun ba ang tinatawag nyo'ng art? hindi ba paninira lang ito ng bagay na hindi sa inyo? and they pertain to themselves as GRAPISTA? that's why i made a post with graffiti as the main subject. ang sa akin kasi, pag pinakialaman mo ang bagay na hindi sa'yo - kawalang-hiyaan ang tawag dun - a very simple rule. siguro dapat mahiwalay ang mga bombers sa mga totoong grapista kasi may malaking diperensya ang pagkakalat sa paggawa ng art.

enough has been said about this matter. kung magkaiba talaga tayo, walang katapusang debate at murahan ang pupuntahan nito. hindi natin pwedeng ipagsiksikan ang bagay na minamahal natin sa mga taong hindi ito gusto. may karapatan ang bawat isa na tumanggap, tumanggi, mamintas, mapikon at mag-appreciate sa mga kritisismong dumarating. the fact is, kung gusto n'yo na respetuhin ang trabaho n'yo, gawin n'yo ito ng may respeto rin - at ang pagsusulat sa pader ng may pader na walang paalam is absolutely DISRESPECT in the first place.

gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagtatapon ng inyong napakahalagang oras para lang bisitahin ako... malaya nyo'ng magagawa ang kahit ano dito at kung tatanungin nyo ako kung gusto kong papinturahan sa inyo ang pader ko, papayag ako without having any second thoughts.. wag nyo lang babasagin ang mga paso ng halaman ng nanay ko, hehehe!!!

FLIP-1 (SBA) said...
Sup man, Flip-1 of SBA CRU writing. Kakabasa ko lang ng blog mo tungkol sa grapista. Alam ko meron tayong karapatan na i-voice out ang mga opinions natin sa particular na bagay katulad na lang ng graffiti sa Pinas. Meron ka rin point sa sinasabi mo pero hindi lahat ng sinulat mo ay tama. At hindi rin maganda na puro negatibo ang tingin mo sa graffiti art at hindi tinitignan ang positive side nito.Totoo na maraming klaseng graffiti ang hindi magandang tingin sa tao katulad na lang ng mga tags, throw-ups or mga marka ng mga gangs. Pero marami rin mga graffiti na ginawa na may permit at hindi lang legal kundi ma-kulay at napaka detalyado. At least yun sana ma-appreciate mo lalo na ang effort, pride at passion ng mga grapista na nag-chaga na maghanap ng pader, magsulat ng permission, gumawa ng magandang mural at ipakita sa buong mundo kung paano gumawa ng mga Pinoy ng isang magandang aerosol mural.Pwede mong sabihin na tumigil sila pero maraming grapista dito ay hindi titigil kasi yung ang expression nila. Mahirap tigilin ang passion sa isang tao whether gumawa sila ng art or musika.Masyadong mahal ang P200 na spraypaint. At kung meron man, yung ang Krylon na hindi ginagamit ng karamihan ng mga grapista dito. Ang average spraypaint at P90 - P160. Gumagastos ako ng P500 para sa 5 cans at yun nakakagawa nakong ng isang piece. Mas mura na yun kung ikumpara mo sa mga ginagastos mga ibang tao dyan katulad ng mga skateboarders or yung mga mahilig maglaro ng Magic cards.At hindi rin tama sa akin na i-criticize si Bernadette Sembrano na gumawa sya ng documentary tungkol sa grapista. Maganda nga na binigay sya ang positive at negative side ng graffiti di tulad na sinulat mo sa puro negative. If I-Witness can do a documentary about a 30 years man stuck in the 1980s culture, doesn't The Correspondants have the right to make one about the graffiti art scene in Metro Manila?Ang masasabe ko lang ay, hindi maganda kung puro negative ang tingin mo sa graffiti. Kung ganyan ang mga point of view mo sa bagay, nag hanap ka na ng kaaway lalo na sa mga taong na may passion sa ganitong art!
January 25, 2008 2:08 PM

10 comments:

Anonymous said...

naiintindihan ko yan.. tama naman may kanya kanya tayong opinion sa mga bagay bagay dipende nalang talaga sa tao kung gaano kalawak o kakitid ang pag iisip.. wala naman ako violent reaction dun sa 1st post mo tungkol sa mga writers na tinawag mong "grapeste" in fact tanggap ko din na may pagkakamali sa ilang mga graffiti writers.. parte lang talaga ang bombing/tagging (vandalism) sa pagiging graffiti writer.. kahit gaano kagaling pa yang gumagawa ng mural or piece kahit papaano nadedemonyo din magbomb yan.. yan ang thrill sa pagiging graffiti writer.. mas mahirap ibomb na lugar mas sisikat ka sa ibang writers.. kahit ako mahilig sa bombing.. ikaw din naman siguro naranasan mo na mag vandal? sa cr ng skul? sa upuan sa loob ng classroom? or kahit saan pa.. maliit or malaki man ang naisulat parehas lang din yan.. para matapos na tong talatang ito ang gusto ko lang iparating sa lahat mag respetuhan lang tayo ng opinion.. tama ba? hehe peace out!

-CIS Kru (Crime in Style)

Anonymous said...

hindi sa lahat ng oras nakakakuha kami ng legal wall.. kaya no choice pag nangati mga kamay namin sa pag paint bombing ang nagiging solusyon.. marami pang ibang dahilan kung bakit nagbabomb.. gusto sumikat, maglabas ng galit/sama ng loob sa paraan ng pag paint, may gustong sabihin sa pamamagitan ng pag paint, etc..

-Nagmamahal Ate Charo.. LOL!

Anonymous said...

still. NC.

Anonymous said...

Haha O bakit bumabaliktad ka na? Takot ka na dahil baka balikan ka naming lahat? Asan na tapang mo magsulat ng kung ano-anong bullshit? Tingin ka sa likod mo pre, baka may humampas nalang ng tubo sayo. Hinahanap ka na namin, kaya tago ka na. Nagkamali ka ng binangga mo.

Mag-isip ka muna kasi bago ka magsulat, at siguraduhin mong nasa tamang pagiisip ka bago ka humusga. Ngayon, nakapagbitiw ka na ng salita, at walang ng oras para sa mga paliwang o kahit ano mang excuses mo. Magtago ka na sa panty ng syota mong chimay.

Tang-ina mo, kitid ng utak mo pare. Wala kang karapatang maging pilipino kung kapwa mo hinihili mo pababa. Tago ka na gago, upak abot mo samin lahat. Haha

Anonymous said...

tigil na tong kalokohang to! paint na!!

Anonymous said...

w

Anonymous said...

man..by the way fish one here of Crime in Style Graffiti Crew..there is so many writters here in the philippines from luzon,visayas to mindanao and in States there's is a Fil-Am writers and in other country and in Asia also..yeah! 5 months ago the ABS-CBN CORRESPONDENTS CREW broadcast the Documentary about Pinoy Graphista..im one of the writters participate on the said documentary..there is an interview w/ leaders/officers of some crews here..and man im not against in your blog or whatever!i understand your feelings..but!im not happy because not of all graffiti writters are PESTE! example: DOPE of CIS CRU..he never involved in bombin'.he tagged/bombed but in a LEGAL WALL..and i know man there is some writters like DOPE DARQUE..anyways before you throw some words w/ us..or mess w/ us..just take a research bout us..
i respect your blog man..

Fish One
-represent & recognize CIS

Anonymous said...

oh ayan.

turon said...

graffiti is just as bad as blogs.
you sometimes read or see stuff you dont like to. deal with it.

Anonymous said...

oo na tama na kayo wag nyo lang akong bugbugin pleaaaseeeeee...peace na tayo mga repapeps heheheheh -nagmamahal kuya wawawel bow...