susie
07/21/2006 11:21 am
he was barely three years old when i got married and moved to manila. among my siblings, he's the only one who did not get my sisterly affection and attention that much. i got no chance to play with him; to prepare his daily binalot for school; to wake him up every morning for school; to teach him his school assignments; to fight with him over food stuff or toys.now, i am trying my very best to fill up and let him feel how precious he is to me (actually all my siblings). though he's the activista and pilosopo in the family, he's humorous naman at times. Guitar man and an amateur singer yan and I like him sing "Kanlungan". Super magmahal yan sa inay kc yan ang nag-iisang "TOTOY" ng tatay at inay, the only tito wawel for lea & chinchin, and the only benito for kuya edgar.i love you lucky ruel.....
ang nabasa n'yong yan ay comment ng panganay kong kapatid, si Ate Susie, na nakapost sa Friendster profile ko. marami na akong natanggap na love letters galing sa mga naging GF ko, comment sa friendster, lovenotes ng asawa ko, at kung anu-ano pa! pero dito sa isang ito, hindi ko naiwasang maiyak at masasabi kong ito ang pinakasweet at pinakamahalaga sa lahat.
tulad ng nabanggit sa comment, bata pa ako nung umalis s'ya at sa totoo lang hindi ko s'ya nakasama hanggang sa nakatapos ako ng highschool. nagkikita lang kapag bakasyon at umuuwi sila sa probinsya o kami ang nagpupunta sa kanila. nakasama ko na lang s'ya nung magcollege ako dahil lahat kaming magkakapatid na mas bata ay sa kanya tumira nung nag-aaral sa college. sa aming anim na magkakapatid, ang naaalala ko lang na mga nakalaro ko nung bata pa ako ay ang kuya ding ko at ang sinundan ko na si ate racquel. malayo kasi ang agwat ng edad namin... mas matanda ng anim na taon ang ate racquel ko sa akin kaya siguro malayo ang loob ko sa mas matatanda pa naming mga kapatid nung bata pa ako.
bukod sa malayo ang loob, malaki ang pakiramdam ko nung bata pa ako na ayaw sa akin ng ate susie ko sa hindi ko malamang dahilan. hindi ko makalimutan ang isang pagkakataon na isa sa naging dahilan ng pagtatanim ko ng galit at sama ng loob sa kanya. siguro highschool na ako nun, paminsan-minsan lumuluwas ang nanay o kaya ang tatay ko galing Batangas para naman bumisita sa kanila sa Makati. syempre sasama ako para naman may maipagyabang ako sa mga kalaro at kaklase ko pagpasok sa eskwela, madalang lang ang nakakasakay ng bus at nakakarating ng Maynila sa amin ha! at kahit na isang supot ang napuno ng suka mo dahil sa pagkahilo sa bus, ipagmamalaki mo na hindi ka nagsuka para malaman nila na sanay kang sumakay ng bus!
masaya ako pag nandun sa kanila kasi nakakasama ko ang dalawa n'yang anak na pamangkin ko na kinasasabikan ko palagi. minsan, habang nasa kusina kami, may nakita akong tinapay sa basurahan. kung alam mo yung dalawang dulo ng tasty bread na kadalasan ay hindi kinakain, 'yun na 'yun! ako naman, komo laki sa probinsya na sanay sa biskotsong matitigas, edible at sayang para sa akin ang dalawang dulo ng malambot na tasty. tinanong ko tuloy ang ate susie ko kung bakit nasa basurahan na 'yung tinapay sayang naman 'kako. sinagot ba naman ako ng 'e di kainin mo kung gusto mo!' sa napakasungit na tono at hindi ko alam kung bakit gusto n'ya pang ipakain sa akin 'yung nasa basurahan na. 'yung sagot n'ya na 'yun ang nagpatibay ng pakiramdam ko na hindi talaga ako gusto ng ate ko at dun na rin nag-umpisa ang masasabi kong galit sa kanya. iniisip ko na lang na baka kasi lumaki akong spoiled nung bata pa ako (kasi bunso) at hindi katulad nila na lumaki nung panahong medyo salat pa sa kabuhayan ang pamilya namin. 'pag sinasabi nga ng nanay ko na maswerte ako kasi maayos na ang buhay namin nung lumalaki ako at hindi katulad ng mga kapatid ko, sinasagot ko na lang sila ng 'pasensya sila kasi ako ang inabot ng yaman'.
nung nag-aaral na ako ng college at nakatira sa kanila, marami pang pagkakataon na nasungitan ako ng ate ko na kinasanayan ko na lang. pero wala naman akong inisip na masama sa kanya, hanggang sama lang ako ng loob at paniniwalang ayaw n'ya sa akin kaya ganun.
sa hindi ko malamang dahilan at hindi ko rin maalala kung kailan talaga nag-umpisa, naramdaman ko na lang na gumaan ang loob n'ya at bumait na s'ya sa akin. parang ang hirap pang tanggapin at paniwalaan nung una. naasiwa talaga ako pero nung napagtagni-tagni ko ang mga bagay-bagay, naunawaan ko na rin ang lahat. nung makatapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho na, dun nag-umpisang mag-iba ang pakikitungo n'ya sa akin. siguro, gusto n'yang maging maayos din ako at hindi katulad ng spoiled brat na bata dati. sa kasamaang-palad ay pumanaw ang tatay namin pero sabi nga nila, pag may nawawala ay may nagiging kapalit naman daw. ang naging kapalit nun ay ang pagiging mas close naming lahat na magkakapatid... at lalung-lalo na, ang ate susie ko sa akin.
alam ko na may dahilan lahat kaya ganun s'ya dati sa akin at masaya ako na naging ganun s'ya. kelan lang ay napagkwentuhan namin nina ate racquel at danna (panganay na anak ni ate susie) ang tungkol sa amin ni ate susie dahil kahit si danna ay nagtataka rin kung paano raw kami naging ganito kaclose ng mommy n'ya. naikwento ko rin 'yung tungkol sa tinapay at sa hindi ko maintindihang dahilan ay pinipigilan ko pa ring maluha habang nagsasalita. 'yun ang unang beses na naikwento ko 'yung pangyayaring 'yun sa ibang tao. 'yung comment n'ya dun sa taas? yaman ko na 'yan! nagprint ako at idinikit ko sa aparador kung saan palagi ko itong nakikita.
kung anuman ang nangyari noon, lahat 'yun ay nakaraan na at natabunan na ng napakagandang ngayon.
Thursday, February 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hay naku wawel!!masyado ka palang emotional..pero ok lang kasi it really happens,, kasi yung kwento mo maraming din tao nakaexperience,,pero sana lang wla ng mawala pa just to let others feel na importante ka rin sa buhay nila...
sa tagal nating naging magkaibigan, wala kang naikwentong ganito. but i agree dun sa sinabi ni ate mo na grabe ka magmahal sa pamilya mo...saksi ako don... sana naipadama mo rin sa kin yun...ng mas matagal...
Post a Comment