isang totoong pangyayari ang naikwento sa dyaryo tungkol sa 70-taong gulang na lolo na nagmula pa sa isang probinsya. lumuwas ng Maynila ang matanda para sa kanyang visa interview sa US embassy, at dahil wala s'yang anumang alam na salitang Ingles, isinama n'ya ang apo bilang translator.
inutusan ng consul ang apo na tanungin ang lolo n'ya kung bakit gusto nitong pumunta sa Amerika.
"bakit daw ho ba gusto ninyong pumunta sa Amerika?" tanong ng apo.
"sabihin mong gusto kong makita ang mga anak ko doon," sagot ng lolo.
muling ipinatanong ng consul sa apo kung bakit kailangan pang pumunta ng matanda sa Amerika at hindi na lang papuntahin dito ang mga anak n'ya. matapos tagalugin ng bata ang tanong, sumagot ang matanda.
"sabihin mo, dito kasi ipinanganak ang mga anak ko. nakita na nila ang Pilipinas. gusto ko naman makita ang Amerika bago ako mamatay."
dahil sa naasiwa sa katotohanang hindi man lang makapagsalita ng kahit kaunting Ingles ang matanda, ni-reject ng consul ang application nito. sinabi ng apo sa kanyang lolo ang naging desisyon ng consul at ipinaliwanag ang dahilan. "hindi raw kasi kayo marunong mag-Ingles."
hindi ito ikinatuwa ng matanda kaya inutusan ang apo. "sabihin mo ito sa kanya at huwag mong papalitan ang sasabihin ko. putang-ina niya, bakit siya nandidito eh hindi naman siya marunong mag-Tagalog."
sinunod ng bata ang utos at sinabi ito sa consul. sabi ng apo, "you son of a bitch, how come you are here... you do not know how to speak in Tagalog."
sa pagkakagulat na may halong tawa, napilitang magbago ng isip ang consul at mabilis na inaprubahan ang visa application ng matanda.
-Bob Ong
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
Sunday, February 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment