Sunday, February 15, 2009

bakbakan na!

nakapanood ka na ba ng Pinoy action movie? eto ang ilang palatandaan na ang pinapanood mo ay bakbakang noypi:

  • umiikot ang istorya sa paghihiganti.

  • ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak n'ya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno).

  • isa sa mga eksena ay babastusin ang bida, o ang syota n'ya, ng mga nag-iinumang istambay.

  • magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

  • hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat n'ya.

  • pag narinig mong tumawa ang isang character nang "bwahahahaha," automatic, kontrabida 'yon.

  • pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. kahit habang nanggagahasa.

  • smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

  • mahilig sa leather jacket ang kontrabida. kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.

  • ang structure ng kalaban: ang Boss at ang kanyang "mga bata".

  • ang kuta ng mga kalaban ay sa warehouse o malaking bahay.

  • lagi ring may eksena sa isang beer house.

  • may seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwento sa Abante.

  • pagkatapos ng nagbabagang bed scene ay mahinhin na ulit ang leading lady.

  • marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman ay kayang-kaya nitong patumbahin.

  • kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin. ikukulong lang at papahirapan dahil lagi s'yang gustong mahuli nang buhay ng big boss.

  • pagdating sa big boss, papatayin din s'ya, pinatagal lang ng konti.

  • mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril... mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.

  • may malakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

  • walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.

  • mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

  • makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

  • marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa s'ya nakakahawak nito sa buong buhay n'ya.

  • kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod nang sabay-sabay, laging isa-isa, parang nagsasayaw.

  • hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpong tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan n'ya.

  • tamaan man s'ya ng bala ay laging daplis lang... bawal sa ulo o sa puso.

  • siyam ang buhay ng bida.

  • doble pa nito ang buhay ng leading lady.

  • kung mamamatay man ang isa sa kanila ay makakapagsalita pa ito ng isang page na script bago malagutan ng hininga.

  • pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.

  • pero hindi lubusang nagiging ulila ang bida dahil kadalasan itong merong spare na partner.
  • huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aresto sa mga kalaban. oo, parang may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban... at wala silang pakialam sa bida kahit na sangkot ito sa riot!

Buhat sa Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? ni Bob Ong

patas lang

isang totoong pangyayari ang naikwento sa dyaryo tungkol sa 70-taong gulang na lolo na nagmula pa sa isang probinsya. lumuwas ng Maynila ang matanda para sa kanyang visa interview sa US embassy, at dahil wala s'yang anumang alam na salitang Ingles, isinama n'ya ang apo bilang translator.

inutusan ng consul ang apo na tanungin ang lolo n'ya kung bakit gusto nitong pumunta sa Amerika.

"bakit daw ho ba gusto ninyong pumunta sa Amerika?" tanong ng apo.

"sabihin mong gusto kong makita ang mga anak ko doon," sagot ng lolo.

muling ipinatanong ng consul sa apo kung bakit kailangan pang pumunta ng matanda sa Amerika at hindi na lang papuntahin dito ang mga anak n'ya. matapos tagalugin ng bata ang tanong, sumagot ang matanda.

"sabihin mo, dito kasi ipinanganak ang mga anak ko. nakita na nila ang Pilipinas. gusto ko naman makita ang Amerika bago ako mamatay."

dahil sa naasiwa sa katotohanang hindi man lang makapagsalita ng kahit kaunting Ingles ang matanda, ni-reject ng consul ang application nito. sinabi ng apo sa kanyang lolo ang naging desisyon ng consul at ipinaliwanag ang dahilan. "hindi raw kasi kayo marunong mag-Ingles."

hindi ito ikinatuwa ng matanda kaya inutusan ang apo. "sabihin mo ito sa kanya at huwag mong papalitan ang sasabihin ko. putang-ina niya, bakit siya nandidito eh hindi naman siya marunong mag-Tagalog."

sinunod ng bata ang utos at sinabi ito sa consul. sabi ng apo, "you son of a bitch, how come you are here... you do not know how to speak in Tagalog."

sa pagkakagulat na may halong tawa, napilitang magbago ng isip ang consul at mabilis na inaprubahan ang visa application ng matanda.


-Bob Ong
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

Thursday, February 12, 2009

MAS RA

susie
07/21/2006 11:21 am
he was barely three years old when i got married and moved to manila. among my siblings, he's the only one who did not get my sisterly affection and attention that much. i got no chance to play with him; to prepare his daily binalot for school; to wake him up every morning for school; to teach him his school assignments; to fight with him over food stuff or toys.now, i am trying my very best to fill up and let him feel how precious he is to me (actually all my siblings). though he's the activista and pilosopo in the family, he's humorous naman at times. Guitar man and an amateur singer yan and I like him sing "Kanlungan". Super magmahal yan sa inay kc yan ang nag-iisang "TOTOY" ng tatay at inay, the only tito wawel for lea & chinchin, and the only benito for kuya edgar.i love you lucky ruel.....


ang nabasa n'yong yan ay comment ng panganay kong kapatid, si Ate Susie, na nakapost sa Friendster profile ko. marami na akong natanggap na love letters galing sa mga naging GF ko, comment sa friendster, lovenotes ng asawa ko, at kung anu-ano pa! pero dito sa isang ito, hindi ko naiwasang maiyak at masasabi kong ito ang pinakasweet at pinakamahalaga sa lahat.

tulad ng nabanggit sa comment, bata pa ako nung umalis s'ya at sa totoo lang hindi ko s'ya nakasama hanggang sa nakatapos ako ng highschool. nagkikita lang kapag bakasyon at umuuwi sila sa probinsya o kami ang nagpupunta sa kanila. nakasama ko na lang s'ya nung magcollege ako dahil lahat kaming magkakapatid na mas bata ay sa kanya tumira nung nag-aaral sa college. sa aming anim na magkakapatid, ang naaalala ko lang na mga nakalaro ko nung bata pa ako ay ang kuya ding ko at ang sinundan ko na si ate racquel. malayo kasi ang agwat ng edad namin... mas matanda ng anim na taon ang ate racquel ko sa akin kaya siguro malayo ang loob ko sa mas matatanda pa naming mga kapatid nung bata pa ako.

bukod sa malayo ang loob, malaki ang pakiramdam ko nung bata pa ako na ayaw sa akin ng ate susie ko sa hindi ko malamang dahilan. hindi ko makalimutan ang isang pagkakataon na isa sa naging dahilan ng pagtatanim ko ng galit at sama ng loob sa kanya. siguro highschool na ako nun, paminsan-minsan lumuluwas ang nanay o kaya ang tatay ko galing Batangas para naman bumisita sa kanila sa Makati. syempre sasama ako para naman may maipagyabang ako sa mga kalaro at kaklase ko pagpasok sa eskwela, madalang lang ang nakakasakay ng bus at nakakarating ng Maynila sa amin ha! at kahit na isang supot ang napuno ng suka mo dahil sa pagkahilo sa bus, ipagmamalaki mo na hindi ka nagsuka para malaman nila na sanay kang sumakay ng bus!

masaya ako pag nandun sa kanila kasi nakakasama ko ang dalawa n'yang anak na pamangkin ko na kinasasabikan ko palagi. minsan, habang nasa kusina kami, may nakita akong tinapay sa basurahan. kung alam mo yung dalawang dulo ng tasty bread na kadalasan ay hindi kinakain, 'yun na 'yun! ako naman, komo laki sa probinsya na sanay sa biskotsong matitigas, edible at sayang para sa akin ang dalawang dulo ng malambot na tasty. tinanong ko tuloy ang ate susie ko kung bakit nasa basurahan na 'yung tinapay sayang naman 'kako. sinagot ba naman ako ng 'e di kainin mo kung gusto mo!' sa napakasungit na tono at hindi ko alam kung bakit gusto n'ya pang ipakain sa akin 'yung nasa basurahan na. 'yung sagot n'ya na 'yun ang nagpatibay ng pakiramdam ko na hindi talaga ako gusto ng ate ko at dun na rin nag-umpisa ang masasabi kong galit sa kanya. iniisip ko na lang na baka kasi lumaki akong spoiled nung bata pa ako (kasi bunso) at hindi katulad nila na lumaki nung panahong medyo salat pa sa kabuhayan ang pamilya namin. 'pag sinasabi nga ng nanay ko na maswerte ako kasi maayos na ang buhay namin nung lumalaki ako at hindi katulad ng mga kapatid ko, sinasagot ko na lang sila ng 'pasensya sila kasi ako ang inabot ng yaman'.

nung nag-aaral na ako ng college at nakatira sa kanila, marami pang pagkakataon na nasungitan ako ng ate ko na kinasanayan ko na lang. pero wala naman akong inisip na masama sa kanya, hanggang sama lang ako ng loob at paniniwalang ayaw n'ya sa akin kaya ganun.

sa hindi ko malamang dahilan at hindi ko rin maalala kung kailan talaga nag-umpisa, naramdaman ko na lang na gumaan ang loob n'ya at bumait na s'ya sa akin. parang ang hirap pang tanggapin at paniwalaan nung una. naasiwa talaga ako pero nung napagtagni-tagni ko ang mga bagay-bagay, naunawaan ko na rin ang lahat. nung makatapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho na, dun nag-umpisang mag-iba ang pakikitungo n'ya sa akin. siguro, gusto n'yang maging maayos din ako at hindi katulad ng spoiled brat na bata dati. sa kasamaang-palad ay pumanaw ang tatay namin pero sabi nga nila, pag may nawawala ay may nagiging kapalit naman daw. ang naging kapalit nun ay ang pagiging mas close naming lahat na magkakapatid... at lalung-lalo na, ang ate susie ko sa akin.

alam ko na may dahilan lahat kaya ganun s'ya dati sa akin at masaya ako na naging ganun s'ya. kelan lang ay napagkwentuhan namin nina ate racquel at danna (panganay na anak ni ate susie) ang tungkol sa amin ni ate susie dahil kahit si danna ay nagtataka rin kung paano raw kami naging ganito kaclose ng mommy n'ya. naikwento ko rin 'yung tungkol sa tinapay at sa hindi ko maintindihang dahilan ay pinipigilan ko pa ring maluha habang nagsasalita. 'yun ang unang beses na naikwento ko 'yung pangyayaring 'yun sa ibang tao. 'yung comment n'ya dun sa taas? yaman ko na 'yan! nagprint ako at idinikit ko sa aparador kung saan palagi ko itong nakikita.

kung anuman ang nangyari noon, lahat 'yun ay nakaraan na at natabunan na ng napakagandang ngayon.

Wednesday, February 4, 2009

Gigs!

tugtog namin sa Food Festival sa St. Mary's Church in Al Ain last 2january09

hindi ako makita kasi natatakpan ako sa likuran, shy kasi ako!



eto naman sa opening ceremony ng liga ng basketbol. hindi rin ako makita kasi madilim.

anyway, kahit hindi nyo ako nakikita jan... isa ako sa nagigitara, promise!

Monday, January 26, 2009

Monday, January 19, 2009

learn to change!

nabubwisit na ako sa learning and changing kuno na pinapauso ng lekat na mga yun! hindi ko alam kung balak ba nilang magshift sa psychiatry o nagpipilit silang maging inspirational speaker. inconvenience lang ang malinaw na ibinibigay nila sa amin; isipin mo ba naman yung linggu-lingong pagbibyahe papunta sa pagkalayu-layong lupalop na yun tapos ganun at ganun pa rin naman ang pinag-uusapan at ganun at ganun din ang tanghalian! malapit na akong lumipad sa pritong manok nila...

ang tagal kong hindi nagsusulat dito kasi ang gusto ko sana yung maganda ang dating ng una kong post sa 2009. so far wala kasi akong makitang maganda kaya pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa pagsusulat kaso hindi na ako makapagtimpi, sobra na! nasayang lang ang pagpipigil ko, napunta sa ganito... pambihira!

read this carefully: if you want to influence somebody and expect that somebody to change for better, you must first show that somebody that you are a changed person. i remember something that i read about a preacher long time ago. a mother brought her son and asked a preacher to advise her son to stop smoking. to the mother's surprise, the preacher simply told them to come back after a month. a month later, the mother and son were in front of the preacher again and this time the preacher advised the young man to refrain from smoking. the mother couldn't help but ask why did they have to wait for a month. it was then revealed that the preacher is also a smoker and he couldn't dare to advise somebody to stop smoking while he himself is a smoker - so what he did is he stopped it himself first before he advised another to do the same.

that, to me, is the perfect way to influence others to change!