Saturday, November 21, 2009

choose wisely

i excused myself from joining the group on our next gig because of some family matters that came up. i wanted to be 'of service' to my niece who is having this huge problem caused by her carelessness so i chose to leave the band for a while and i told them that i can not focus on playing when things are bothering my mind.

but it turned out that my niece gets irritated of me being 'of service' to her. what's the matter? i just wanted to lend a hand, we are here.. your family. we are not your enemies but you treat us like one. in the first place we are not the ones who caused this problem but you and yet you are the one acting like we always have to please you. that's fine with me! anyway, i am doing my duty just to assure my sister not to worry about her wise and brave daughter. i am worried more with the parents because the culprit acts like nothing happened and the depressed parents spend sleepless nights thinking of what happened to their daughter.

nobody's perfect. it means me and you and them. but in spite of the imperfection that we have, we have to be brave enough to face the consequences in the right way. and with that excuse that i made from my group, it caused trouble finding a replacement. and the gig is fast-approaching. but none of them pressured me to play, i only heard 'we'll be fine.. you have to deal with your personal issues if you need to' even though i can see that they are suffering. so i want to be brave enough to give my service to the ones who need it than reserving my self to someone who doesn't even care.

tuloy ang ligaya!

Sunday, November 15, 2009

sunday... bloody sunday

habang ang mga Pilipino ay nagbubunyi sa panalo ni Pacquaio laban kay Cotto, nandito ako... nagdadalamhati sa problemang dumating sa pamilya namin.

mga bagay na nangyari na walang may kakayahang baguhin at ulitin para maging tama.

Monday, September 28, 2009

paano na?

lugmok na nga si Juan
inatake pa ng ulan...
sa ginawa mo Ondoy,
pa'no na ang mga Pinoy?

nakakagimbal na Sabado ng umaga ang sumalubong sa gising ko nang buksan ni misis ang telebisyon sa harap ng higaan namin. walang palabas sa TFC kundi balita tungkol sa trahedyang sinapit ng Luzon partikular na sa Maynila at mga karatig lalawigan.

sa pagkakarinig ko, may nagsabi na bumuhos sa loob ng magdamag ang ulan na karaniwang bumubuhos sa loob ng isang buwan. at ang kinalabasan... dagok at pasakit na naman sa mga kawawang Pinoy. naawa at kinilabutan ako sa mga nakita ko sa TV, lalo na 'yung mga kabataan na nasa ibabaw ng bubong na tinangay ng malakas na agos at nagkahiwa-hiwalay paglagpas sa ilalim ng tulay... lahat yata sila, sa kasamaang palad ay nasawi.

sa mga pagkakataong ganito, may awa kang nararamdaman at hindi maiiwasang may galit na kasama. bakit nangyayari ito? may gusto kang sisihin pero sino? lahat biktima, lahat talo, lahat luhaan, lahat lugmok. may iilan akong nakitang matatabil ang dila na nakuha pang kutyain ang mga kapwa rin nila Pinoy. kumalat sa Facebook ang Wall ng isang taga-Dubai daw at sinasabi sa mali-maling ingles na nararapat daw sa mga makakasalanang Pinoy ang nangyari, mabuti na lang daw at nasa Dubai s'ya. nakakaawang nilalang! 'yung isang video naman na kuha raw sa UERM, maririnig mo ang boses ng isang medyo sosyal na babae sa background na nagsabing 'Oh my God, ang saya-saya!' nung makitang inaanod ng malakas na baha ang mga sasakyan habang sinasaway ng isa na 'wag magtatawa. naiintindihan ko pa 'yun, siguro naexcite s'ya sa mga nakikita n'ya nung umpisa pero nagpanic din s'ya sa huli nung makita n'ya na isa sa mga sasakyan ay may tao pa sa loob.

nakakatuwa rin naman sa kabilang banda na pagkatapos ng delubyo, umulan naman ng mga tulong galing sa mga tao o grupo ng mga tao o kumpanya na nagmamalasakit sa mga nasalanta. nakakagulat na makalipas ang isang araw ay may nakalap na agad ang telethon ng ABS-CBN na mahigit 20M na cash pledges at kung hindi ako nagkakamali ay 20M worth din na goods... at ito ay sa isa pa lang sa maraming grupo na nagkukumahog para makatulong sa mga biktima ni Ondoy. dito ka naman bibilib sa mga Pinoy, kahit na sabihin mo'ng tuso sa normal na panahon... malambot naman ang puso at handang tumulong sa mga nangangailangan sa oras ng kagipitan!

ang mga nangyari ay mga bagay na hindi nakokontrol, nahuhulaan o kayang pigilan ng mga tao. ito ay isang bagay na bigay ng kalikasan at kahit na 10 ang medal mo sa Boy Scout nung elementary, walang paghahanda ang sasapat dito! dito natin mapapatunayan na hangga't nasa mundo tayo at nabubuhay sa lupa, pantay-pantay ang mga tao. walang mataas o mababa, walang iskwater at walang village boy... lahat nakalubog. gusto mong manisi pero hindi mo magawa dahil alam mo'ng isa ka sa mga dapat sisihin. wala tayong laban sa bangis ng kalikasan kundi ang magkaroon ng pang-unawa at pusong handang tumulong sa mga magiging biktima nito... kung sakali mang hindi tayo ang biktima!

Saturday, June 6, 2009

latest pictures

these are the latest pictures that i have taken one night in Mubazarah Park in Al Ain, Abu Dhabi, UAE



























































Thursday, May 7, 2009

blessings!

gusto ko lamang magpasalamat sa Dakilang Lumikha sa lahat ng biyayang natanggap ko nitong mga nakaraang araw at sa mga darating pang mga araw.

una, nakapasa ako sa pagkuha ng driving license na matagal ko ng pinapangarap. ang ganda pa nito, nakuha ko sa unang subok pa lang. yung mga kasabayan ko merong 7, 8, 12 subok na hindi pa rin pumapasa. hindi biro ang kumuha ng lisensya dito sa UAE dahil hindi katulad sa Pilipinas na iihi ka lang sa botelya mamaya me lisensya ka na kesyo marunong kang sumakay ng bike o hindi.

pangalawa, binigyan ako ng kaibigan kong Indian na si Terrence na kabanda ko rin ng napakagandang electric guitar. Jackson mga kapatid! isa itong brand na ni sa panaginip ko ay hindi ko inisip na mahahawakan ko, as in mamahalin! at bukod pa dun, may kasama na ring amplifier na Marshall na ubod ng laki! napakaswerte ko talaga! siguro baka hindi lang 1,000 dollars ang halaga nung mga yun kung bibili ka ng bago.

yun lang naman. dadalawa lang kung tutuusin. pero ako kasi, ugali ko ng magpasalamat ng malaki kesyo dambuhala o bansot ang biyayang natatanggap ko. hindi ako relihiyosong tao, ni hindi nga ako nagsisimba o naniniwala sa mga pari o simbahan, pero malaki ang takot at pananampalataya ko sa Dakilang Lumikha. at lahat ng natatanggap ko sa araw-araw simula nung ipanganak ako ay utang na dapat kong ipagpasalamat sa Kanya...

Saturday, April 18, 2009

kakisigan na lang ba?

Clothes make the man. Naked people have little or no influence on society.
- Mark Twain

'yan ang malinaw na katotohanan. kahit kasing-talino mo si Gat. Jose Rizal at wala kang pambili ng mga mamahaling damit, malamang walang seseryoso sa'yo. marahil ito ang dahilan kung bakit palaging nakasuot ng overcoat si Rizal kahit na ubod ng init sa Pilipinas.

pumunta ka sa department store na nakasuot ng gusgusing damit, puruntong at sipit na tsinelas (hindi 'yung mamahalin), ewan ko kung may pumansin sa'yo at magtatanong ng 'How may I help you?'. pero kung papasok ka na nakasuot ng branded na damit at bihis mayaman, malamang nag-uunahan ang mga salesclerk sa pagsalubong kahit na beinte pesos lang ang laman ng wallet mo.

naging sukatan na ng pagkatao mo ang kasuotang nakabihis sa'yo. pag pangit ang cellphone mo, dukha ka pero kung ang gamit mo ay bagong modelo na may kasama pang panundot, big time ang tingin sa'yo kahit na wala kang load at ni hindi mo alam gamitin ang karamihan sa features ng cellphone mo. kung slang ang accent ng pagsasalita mo ng wikang Ingles, napakatalino ng tingin sa'yo ng kapwa mo pero kung Tagalog na nga ang salita mo at matigas pa ang punto mo, Bisaya ang tawag sa'yo. ewan ko ba kung sinong walang modo ang nakaisip magdikit ng salitang 'Bisaya' sa kabaduyan.

nakakalungkot isipin na napakababaw na nga ng pamantayan para masukat ang pagkatao mo, karamihan pa sa atin ay pilit na inilalagay ang sarili sa estadong papasa sa pamantayang ito. lahat tayo, kahit ako, napapahanga sa mga taong nabibihisan ng mamahaling kasuotan, gumagamit ng mga high-tech na gadgets, may magarang sasakyan, magaling magsalita at kung anu-ano pang materyal na bagay na mamahalin.

pero sana wag nating kalimutan na tayo, katulad ng lahat, ay ipinanganak na hubad at mabubulok din pag namatay. kahit papano, dun nagkakapantay-pantay tayo sa palagay ko...

Monday, March 30, 2009

Tsip Chao: The War at Home

The War At Home
http://hk-magazine.com/feature/war-homeMarch 27th, 2009

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.

Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.

Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being.

-From where i got this, they said that Chip Tsao is a best-selling author (i wonder how) and columnist. A former reporter for the BBC, his columns have also appeared in Apple Daily, Next Magazine and CUP Magazine, among others.

the first two lines of the above article are enough to tell that the writer is non-sense; and he calls himself patriotic with those statements.

i wonder how you look at yourself to have the courage if not insanity to write things like these. i have never read anything as stupidly racist as this one! who the hell are you that you want yourself to be treated as 'master'. these 'servants' that you are pertaining to are working professionally, respecting their contracts, working in exchange of monthly salary and not because they treat anybody as 'master'. the monthly salary maybe cheap for you then be thankful that you earn more than enough to pay for the 'cheap' salary of your 'servant' to take care of your everyday mess. i never imagined of somebody to look down at someone so bad until i read your article.

for your information Mr. Cheap Chao (suits you more), in some cities here in the Middle East, your precious Chinese women fill the streets at night selling sex for as low as the value of a mobile phone prepaid card less than $10. so cheap that all the customer has to do when asked the famous question "HOW MUCH?" is to simply flash a prepaid card - and the business starts! believe me or not, i think 'how much' is the only English phrase they know. it is so notorious that even when you ride a taxi, the driver won't stop talking about their adventures with these women for such a cheap rate until you go down.

with all the facts i have stated, Mr. Cheap Chao, i have never looked down on your precious Chinese women but pitied them, instead. i am not a columnist like you but sometimes i am capable of understanding complicated things, which you seem to lack. i even admire them for having the courage to do shameful things just to earn something that is far cheaper than what your 'servant' earn. you are lucky and you should be thankful with the status that you are enjoying. i wonder how you'll be surviving if you will be in the same status as these women in the streets are.

with all due respect to the countries i will mention, you look up to Russia because of Lenin and Stalin, you look up to Japan because of anime, Hello Kitty and Shinjuku, now you look down on the Philippines because it is producing 130,000 domestic helpers to your country. i don't think it's a valid reason to look down on us. what about China? what have you produced? toys and foods that are chemically toxic, am i right? i think you should put into consideration before you fly high, my 'Master', that most of the products coming from you are usually pulled out from the stores for product recall. inspite of all these things, did anyone from the Philippines or anywhere in the world branded China as a poison-producing country? no one did. it is because everyone, just like me, has the capability of understanding complicated things which, i repeat, you lack.

now, before you lecture your 'servant' regarding geography, try to understand simple things first. it will be useful for your career as a columnist, believe me. and may i remind you... in the last line of the previous paragraph, 'everyone, just like me' means HUMAN. you, i don't know what are you Mr. Cheap Chao. Mr is short for mister and not MASTER! ...and if ever your article was a satire, then this goes to who you portray.

Saturday, March 7, 2009

freeman

ipagdasal natin ang kaluluwa ni Francis Magalona na pumanaw kahapon lang. isang institusyon sa larangan ng Pinoy Rap. s'ya ang responsable kung bakit naging seryoso at makatuturan ang Pinoy Rap at naiangat ito mula sa pagiging novelty. sa aking paniniwala, s'ya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagwakas ang 'awayang hiphop at metal' nung dekada '90.

sa Master Rapper, Man from Manila, FrancisM.... isang milyong saludo sa iyo at sa mga adhikain mo!


every color and every hue is represented by me and you
-FrancisM

Thursday, February 19, 2009

shit happens

hindi mo ginusto 'to. pero sa sarili ay may nangyayaring gulo. walang nakakaalam, walang nakakarinig. ayaw mong humingi ng tulong dahli alam mong wala ring makakatulong sa 'yo. isa ito sa mga mapaklang katotohanan sa buhay. maaring ngayon lang ito nangyari, pero alam mong maaari itong mangyari ulit... kahit kailan, kahit saan, kahit kanino.

alam ba ng mga kamag-aaral ko? hindi siguro, dahil taimtim silang nagsusulat ng pangalan nila sa papel nang paulit-ulit. alam ba ng katabi ko? hindi siguro, dahil seryosong-seryoso ito sa pagkukulay ng mga iginuhit n'yang bahay, araw at puno. alam ba ni Madam? hindi rin siguro, dahil abala ito sa pagbabantay sa iba mo pang mga kamag-aral. walang nakakaalam ng kalagayan mo, ng paghihirap mo ngayon.

hindi mo na kaya ang lahat, ayaw mo nang mag-isip, nais mo nang tapusin ang dusa at pasakit. hindi mo na alintana kung kutyain ka ng kahit na sino man, tumigil lang ang pagtulo ng mga malalamig na butil ng pawis sa iyong katawan. at naisip mong... Ngayon Na! bigla mong inilabas ang sama ng loob. ang demonyo sa iyong bituka. ang walang-hiyang pagkain na nagpupumiglas sa kaloob-looban mo. lumipas ang ilang sandali. at doon nakahinga ka nang malalim, nang matiwasay. tumigil ang unos, payapa na ang kapaligiran. ginusto mong ngumiti ngunit may nagbanta sa kasiyahan.

"ambaho, ano ba 'yon?!"

isang kamag-aral ang nangahas na nagsabi ng katotohanan. hindi mo alam kung sino pero nais mo s'yang isumpa. s'ya at ang kanyang malaking bunganga. gusto mo s'yang pagbayarin sa ginawa n'yang kasalanan ngunit meron na namang humirit.

"may mabaho nga!!"

huh??? totoo ba ang narinig mo? hindi lang isa ang traydor sa mga kaklase mo. may isa pa, at isa pa, at isa pa... dumarami sila. hindi mo na alam ang gagawin mo. bakit kailangang mangyari ang ganitong trahedya sa isang bata?

"okay! stand up, everybody. we shall dance and sing!"

hindi sila pinansin ni Teacher, ligtas ka na. pero ano 'tong gusto n'yang ipagawa? paano ka tatayo? paano mo ipagtatapat ang lahat? umikot ang iyong mga mata, pumihit ang iyong ulo pero wala sa paningin mo ang nanay mo, o si ate't kuya. kanino ka hihingi ng saklolo?
litong-lito ka na nang mapansin mong lahat ng kamag-aaral mo ay nakatingin na sa'yo, pati si Teacher. ikaw na lang ang nakaupo. lahat naghihintay na sa iyong pagtayo, mga matang nakatitig sa iyong mga mata. tahimik ang buong klase, tibok ng puso mo lamang ang tanging naririnig mo. hindi mo na alam kung ano pa meron ang buhay. ayaw mo na sana gumalaw ngunit tinapos ng isang bata ang kalbaryo mo nang basagin n'ya ang katahimikan.

"ay, Teacher, tumae s'ya!!!"

wala ka na ulit naalala....



-Bob Ong
ABNKKBSNPLAKo?!

Sunday, February 15, 2009

dapat lang

tuwing maaalala ko ang isang pangyayaring naganap nung highschool ako, hindi ko mapigilang matawa at pagtawanan ang sarili ko. naranasan mo na ba'ng mag-expect ng isang bagay na hindi naman nagkatotoo at ang sama pa nito... naikwento mo na sa ibang tao na mangyayari ito pero hindi naman nangyari!

malapit na ang graduation namin nun at abala na ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na pagtatapos. nabanggit sa akin ng kaklase kong Corp Commander ng CAT na kasalukuyan silang namimili ng kadete para bigyan ng Best Cadet Award at ayon sa kanya, ako raw ang napipisil ng mga CAT officers na pagbigyan ng award na ito. WOW! hindi pa ako nakakatanggap ng medal sa highschool ko at napakaganda namang remembrance kung makakakuha ako ng medal sa graduation! pag-uwi ko sa bahay, masaya kong ikinuwento sa nanay at tatay ko ang natanggap kong balita na kinontra naman agad ng tatay ko kasi namimili palang naman daw, wag daw muna ako umasa. pero mayabang kong sinabi na corp commander na ang nagsabi sa akin na ako ang gusto nila kaya malamang sa sigurado na 'yun.

eto na ngayon... pagdating ng araw ng graduation, sakay kami sa tricycle ng kuya ko na hindi muna bumiyahe para maihatid kami kasama ang nanay ko sa ceremony na katulad kong nag-eexpect na may medal akong makukuha as Best Cadet. at dumating na ang awarding ng mga Best In kung anu-ano. "wala akong pakialam d'yan", sabi ko sa sarili ko, "Best Cadet ang inaabangan ko dahil sa akin 'yun". nang bigla na lang nilang tawagin ang Best Cadet Awardee... Raul Carandang!!!! toink!!! at mahaba pang toooooiiiiiinnnnkkkk!!! totoo ba ang narinig ko?! napatingin sa akin ang katabi ko sa upuan na pinagkwentuhan ko rin na ako ang Best Cadet at hindi pa s'ya nagsasalita ay nangliliit na ang pakiramdam ko at dahil sa panliliit ay hindi ko na narinig o naintindihan man lang ang mga sinabi n'ya. wala na akong pakialam.

pagkatapos ng graduation tinanong ako ng nanay ko, "akala ko ba may medal ka?" hindi ko na ito sinagot at nagkunwaring walang narinig. hayup na corp commander yun! nalaman ko na lang na commandant pala ang pumipili ng best cadet, nagno-nominate lang ang mga CAT officers. sana man lang binanggit ang mga nominees, parang FAMAS, para naman hindi ako napahiya sa nanay ko at sa kuya kong hindi bumiyahe ng tricycle n'ya.

si Raul Carandang, dahil sa inspirasyong nakuha nya as Best Cadet Awardee, pumasok sa PMA at isang magiting na sundalo na ngayon. mas mabuti talagang s'ya ang nakakuha nun kesa sa akin. malamang kung ako ang nanalo nun, ipagyayabang ko lang kung kani-kanino yun!

bakbakan na!

nakapanood ka na ba ng Pinoy action movie? eto ang ilang palatandaan na ang pinapanood mo ay bakbakang noypi:

  • umiikot ang istorya sa paghihiganti.

  • ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak n'ya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno).

  • isa sa mga eksena ay babastusin ang bida, o ang syota n'ya, ng mga nag-iinumang istambay.

  • magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

  • hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat n'ya.

  • pag narinig mong tumawa ang isang character nang "bwahahahaha," automatic, kontrabida 'yon.

  • pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. kahit habang nanggagahasa.

  • smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

  • mahilig sa leather jacket ang kontrabida. kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.

  • ang structure ng kalaban: ang Boss at ang kanyang "mga bata".

  • ang kuta ng mga kalaban ay sa warehouse o malaking bahay.

  • lagi ring may eksena sa isang beer house.

  • may seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwento sa Abante.

  • pagkatapos ng nagbabagang bed scene ay mahinhin na ulit ang leading lady.

  • marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman ay kayang-kaya nitong patumbahin.

  • kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin. ikukulong lang at papahirapan dahil lagi s'yang gustong mahuli nang buhay ng big boss.

  • pagdating sa big boss, papatayin din s'ya, pinatagal lang ng konti.

  • mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril... mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.

  • may malakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

  • walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.

  • mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

  • makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

  • marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa s'ya nakakahawak nito sa buong buhay n'ya.

  • kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod nang sabay-sabay, laging isa-isa, parang nagsasayaw.

  • hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpong tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan n'ya.

  • tamaan man s'ya ng bala ay laging daplis lang... bawal sa ulo o sa puso.

  • siyam ang buhay ng bida.

  • doble pa nito ang buhay ng leading lady.

  • kung mamamatay man ang isa sa kanila ay makakapagsalita pa ito ng isang page na script bago malagutan ng hininga.

  • pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.

  • pero hindi lubusang nagiging ulila ang bida dahil kadalasan itong merong spare na partner.
  • huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aresto sa mga kalaban. oo, parang may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban... at wala silang pakialam sa bida kahit na sangkot ito sa riot!

Buhat sa Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? ni Bob Ong

patas lang

isang totoong pangyayari ang naikwento sa dyaryo tungkol sa 70-taong gulang na lolo na nagmula pa sa isang probinsya. lumuwas ng Maynila ang matanda para sa kanyang visa interview sa US embassy, at dahil wala s'yang anumang alam na salitang Ingles, isinama n'ya ang apo bilang translator.

inutusan ng consul ang apo na tanungin ang lolo n'ya kung bakit gusto nitong pumunta sa Amerika.

"bakit daw ho ba gusto ninyong pumunta sa Amerika?" tanong ng apo.

"sabihin mong gusto kong makita ang mga anak ko doon," sagot ng lolo.

muling ipinatanong ng consul sa apo kung bakit kailangan pang pumunta ng matanda sa Amerika at hindi na lang papuntahin dito ang mga anak n'ya. matapos tagalugin ng bata ang tanong, sumagot ang matanda.

"sabihin mo, dito kasi ipinanganak ang mga anak ko. nakita na nila ang Pilipinas. gusto ko naman makita ang Amerika bago ako mamatay."

dahil sa naasiwa sa katotohanang hindi man lang makapagsalita ng kahit kaunting Ingles ang matanda, ni-reject ng consul ang application nito. sinabi ng apo sa kanyang lolo ang naging desisyon ng consul at ipinaliwanag ang dahilan. "hindi raw kasi kayo marunong mag-Ingles."

hindi ito ikinatuwa ng matanda kaya inutusan ang apo. "sabihin mo ito sa kanya at huwag mong papalitan ang sasabihin ko. putang-ina niya, bakit siya nandidito eh hindi naman siya marunong mag-Tagalog."

sinunod ng bata ang utos at sinabi ito sa consul. sabi ng apo, "you son of a bitch, how come you are here... you do not know how to speak in Tagalog."

sa pagkakagulat na may halong tawa, napilitang magbago ng isip ang consul at mabilis na inaprubahan ang visa application ng matanda.


-Bob Ong
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

Thursday, February 12, 2009

MAS RA

susie
07/21/2006 11:21 am
he was barely three years old when i got married and moved to manila. among my siblings, he's the only one who did not get my sisterly affection and attention that much. i got no chance to play with him; to prepare his daily binalot for school; to wake him up every morning for school; to teach him his school assignments; to fight with him over food stuff or toys.now, i am trying my very best to fill up and let him feel how precious he is to me (actually all my siblings). though he's the activista and pilosopo in the family, he's humorous naman at times. Guitar man and an amateur singer yan and I like him sing "Kanlungan". Super magmahal yan sa inay kc yan ang nag-iisang "TOTOY" ng tatay at inay, the only tito wawel for lea & chinchin, and the only benito for kuya edgar.i love you lucky ruel.....


ang nabasa n'yong yan ay comment ng panganay kong kapatid, si Ate Susie, na nakapost sa Friendster profile ko. marami na akong natanggap na love letters galing sa mga naging GF ko, comment sa friendster, lovenotes ng asawa ko, at kung anu-ano pa! pero dito sa isang ito, hindi ko naiwasang maiyak at masasabi kong ito ang pinakasweet at pinakamahalaga sa lahat.

tulad ng nabanggit sa comment, bata pa ako nung umalis s'ya at sa totoo lang hindi ko s'ya nakasama hanggang sa nakatapos ako ng highschool. nagkikita lang kapag bakasyon at umuuwi sila sa probinsya o kami ang nagpupunta sa kanila. nakasama ko na lang s'ya nung magcollege ako dahil lahat kaming magkakapatid na mas bata ay sa kanya tumira nung nag-aaral sa college. sa aming anim na magkakapatid, ang naaalala ko lang na mga nakalaro ko nung bata pa ako ay ang kuya ding ko at ang sinundan ko na si ate racquel. malayo kasi ang agwat ng edad namin... mas matanda ng anim na taon ang ate racquel ko sa akin kaya siguro malayo ang loob ko sa mas matatanda pa naming mga kapatid nung bata pa ako.

bukod sa malayo ang loob, malaki ang pakiramdam ko nung bata pa ako na ayaw sa akin ng ate susie ko sa hindi ko malamang dahilan. hindi ko makalimutan ang isang pagkakataon na isa sa naging dahilan ng pagtatanim ko ng galit at sama ng loob sa kanya. siguro highschool na ako nun, paminsan-minsan lumuluwas ang nanay o kaya ang tatay ko galing Batangas para naman bumisita sa kanila sa Makati. syempre sasama ako para naman may maipagyabang ako sa mga kalaro at kaklase ko pagpasok sa eskwela, madalang lang ang nakakasakay ng bus at nakakarating ng Maynila sa amin ha! at kahit na isang supot ang napuno ng suka mo dahil sa pagkahilo sa bus, ipagmamalaki mo na hindi ka nagsuka para malaman nila na sanay kang sumakay ng bus!

masaya ako pag nandun sa kanila kasi nakakasama ko ang dalawa n'yang anak na pamangkin ko na kinasasabikan ko palagi. minsan, habang nasa kusina kami, may nakita akong tinapay sa basurahan. kung alam mo yung dalawang dulo ng tasty bread na kadalasan ay hindi kinakain, 'yun na 'yun! ako naman, komo laki sa probinsya na sanay sa biskotsong matitigas, edible at sayang para sa akin ang dalawang dulo ng malambot na tasty. tinanong ko tuloy ang ate susie ko kung bakit nasa basurahan na 'yung tinapay sayang naman 'kako. sinagot ba naman ako ng 'e di kainin mo kung gusto mo!' sa napakasungit na tono at hindi ko alam kung bakit gusto n'ya pang ipakain sa akin 'yung nasa basurahan na. 'yung sagot n'ya na 'yun ang nagpatibay ng pakiramdam ko na hindi talaga ako gusto ng ate ko at dun na rin nag-umpisa ang masasabi kong galit sa kanya. iniisip ko na lang na baka kasi lumaki akong spoiled nung bata pa ako (kasi bunso) at hindi katulad nila na lumaki nung panahong medyo salat pa sa kabuhayan ang pamilya namin. 'pag sinasabi nga ng nanay ko na maswerte ako kasi maayos na ang buhay namin nung lumalaki ako at hindi katulad ng mga kapatid ko, sinasagot ko na lang sila ng 'pasensya sila kasi ako ang inabot ng yaman'.

nung nag-aaral na ako ng college at nakatira sa kanila, marami pang pagkakataon na nasungitan ako ng ate ko na kinasanayan ko na lang. pero wala naman akong inisip na masama sa kanya, hanggang sama lang ako ng loob at paniniwalang ayaw n'ya sa akin kaya ganun.

sa hindi ko malamang dahilan at hindi ko rin maalala kung kailan talaga nag-umpisa, naramdaman ko na lang na gumaan ang loob n'ya at bumait na s'ya sa akin. parang ang hirap pang tanggapin at paniwalaan nung una. naasiwa talaga ako pero nung napagtagni-tagni ko ang mga bagay-bagay, naunawaan ko na rin ang lahat. nung makatapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho na, dun nag-umpisang mag-iba ang pakikitungo n'ya sa akin. siguro, gusto n'yang maging maayos din ako at hindi katulad ng spoiled brat na bata dati. sa kasamaang-palad ay pumanaw ang tatay namin pero sabi nga nila, pag may nawawala ay may nagiging kapalit naman daw. ang naging kapalit nun ay ang pagiging mas close naming lahat na magkakapatid... at lalung-lalo na, ang ate susie ko sa akin.

alam ko na may dahilan lahat kaya ganun s'ya dati sa akin at masaya ako na naging ganun s'ya. kelan lang ay napagkwentuhan namin nina ate racquel at danna (panganay na anak ni ate susie) ang tungkol sa amin ni ate susie dahil kahit si danna ay nagtataka rin kung paano raw kami naging ganito kaclose ng mommy n'ya. naikwento ko rin 'yung tungkol sa tinapay at sa hindi ko maintindihang dahilan ay pinipigilan ko pa ring maluha habang nagsasalita. 'yun ang unang beses na naikwento ko 'yung pangyayaring 'yun sa ibang tao. 'yung comment n'ya dun sa taas? yaman ko na 'yan! nagprint ako at idinikit ko sa aparador kung saan palagi ko itong nakikita.

kung anuman ang nangyari noon, lahat 'yun ay nakaraan na at natabunan na ng napakagandang ngayon.

Wednesday, February 4, 2009

Gigs!

tugtog namin sa Food Festival sa St. Mary's Church in Al Ain last 2january09

hindi ako makita kasi natatakpan ako sa likuran, shy kasi ako!



eto naman sa opening ceremony ng liga ng basketbol. hindi rin ako makita kasi madilim.

anyway, kahit hindi nyo ako nakikita jan... isa ako sa nagigitara, promise!

Monday, January 26, 2009

Monday, January 19, 2009

learn to change!

nabubwisit na ako sa learning and changing kuno na pinapauso ng lekat na mga yun! hindi ko alam kung balak ba nilang magshift sa psychiatry o nagpipilit silang maging inspirational speaker. inconvenience lang ang malinaw na ibinibigay nila sa amin; isipin mo ba naman yung linggu-lingong pagbibyahe papunta sa pagkalayu-layong lupalop na yun tapos ganun at ganun pa rin naman ang pinag-uusapan at ganun at ganun din ang tanghalian! malapit na akong lumipad sa pritong manok nila...

ang tagal kong hindi nagsusulat dito kasi ang gusto ko sana yung maganda ang dating ng una kong post sa 2009. so far wala kasi akong makitang maganda kaya pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa pagsusulat kaso hindi na ako makapagtimpi, sobra na! nasayang lang ang pagpipigil ko, napunta sa ganito... pambihira!

read this carefully: if you want to influence somebody and expect that somebody to change for better, you must first show that somebody that you are a changed person. i remember something that i read about a preacher long time ago. a mother brought her son and asked a preacher to advise her son to stop smoking. to the mother's surprise, the preacher simply told them to come back after a month. a month later, the mother and son were in front of the preacher again and this time the preacher advised the young man to refrain from smoking. the mother couldn't help but ask why did they have to wait for a month. it was then revealed that the preacher is also a smoker and he couldn't dare to advise somebody to stop smoking while he himself is a smoker - so what he did is he stopped it himself first before he advised another to do the same.

that, to me, is the perfect way to influence others to change!