Friday, July 18, 2008

Sino ang Tunay na Masama?

MMDA vs Sidewalk Vendors

Sino ba sa kanila ang tunay na masama? Sa tuwing makikita ko sa balita ang pagpapaalis ng mga MMDA sa mga Sidewalk Vendors, hindi ko maiwasang mahabag sa mga kawawang magtitinda. Nakikisimpatya ako sa mga hinaing nila na naghahanap-buhay sila ng patas, marangal at di hamak na mas maigi kesa magnakaw. Dahil sa ako ay nasa mababang antas ng pamumuhay, nasa mga magtitinda sa bangketa ang simpatya ko.

Sa panig ng MMDA, nakakatuwa na para sa pagpapaganda at pwede nating sabihin na para sa nakararami (na nasa mas mataas na antas ng pamumuhay) ang ginagawa nilang paglilinis ng bangketa. Siguro naman wala silang masamang intensyon sa ginagawa nila at sigurado tayo na ang mga taong nagbabaklas ng mga tindahan na nakikita natin sa TV ay sumusunod lang sa nasa itaas nila. Sa isang dako, may punto sila sa paglilinis ng kalye para sa mga naglalakad at sa ikagagaan ng trapiko. Alam din naman natin na nagbibigay sila ng abiso sa mga vendor bago nila gawin ang paglilinis ng bangketa. Ang tanong ko lang, may iniaalok ba silang alternatibong pagkakakitaan o sabihin na nating lugar na pwede nilang lipatan? Isa pa, bakit kailangan nilang samsamin ang mga paninda na pinamuhunanan ng mga pobreng vendor? Saan ba nila dinadala yun at ano ang ginagawa dun? Sa totoo lang, hindi naman ang pwesto na nakakaharang sa daanan ang hinahabol ng mga vendor. Hanapbuhay ang hinahabol nila kasi dun nila kinukuha ang ipangtutustos sa pamilya nila. Sa bangketa sila nagtitinda dahil hindi nila kayang umupa ng pwesto at lalong hindi nila kayang gumawa ng krimen para sa ikabubuhay nila.

Lumaki ako na may nakikitang sidewalk vendor at sa buong buhay ko wala pa akong nakitang normal na taong dumadaan sa bangketa ang nagreklamo at nagpaalis ng sidewalk vendor na 'nakahambalang' sa daan. Sa sarili kong pananaw, mas nakakatulong sila sa mga dumadaan imbes na nakakaperwisyo. Sanay na ang mga tao na kahit saan sila lumingon, may makakainan sila pag nagutom at abot-kaya pa; may mabibiling mga gamit na katulad rin lang ng nasa mall pero malaking mura sa presyo. Halos lahat, kung hindi man lahat, ng kakailanganin ng simpleng mamamayan na naglalakad sa kalye ay nasa bangketa.

Ang Maynila, kesyo putaktihin pa ng magtitinda sa bangketa, pwedeng maging MANILA sa ibang paraan na hindi aalipustain ang mamamayan nito.

2 comments:

ryan said...

walang masama sa 2 parehas lang nilang ginagawa ang mga trabaho inaakala nilang bubuhay sa kanila.
ang nagiging masama lang sa paningin ko ay ang pananakit at pagsira sa mga bagay na nakukuha tulad ng mga pagkain na naitatapon sa kalye tuwing nagkakaroon ng pagpapaalis... sa dami ng nagugutom at sa hirap ng pilipinas diko lubos maisip kung pano nakukuha ng mga pilipinong ito na ibasura ang mga nakukuha nila sa mga nagtitinda dahil unang una hindi naman nila dapat kuhanin.

Anonymous said...

pano ntin masasabi n sino ang tunay n masama???? prang hirapb???? vendor n di natin masisi dahil sila rin naman ang dahilan kung bakit sila puwershang pinaalis doon, di ba't sinsabi ng mga tga gobyerno n ilegal ang mga puwesto nila?? may karapatan sila n paalisin dun dhil sila ay di sumusunod s batas. kung sking pananaw alam din naman natin n bago sila makapuwesto dun ay nakiusap muna sila s gobyerno pra sila ay payagan n pumuwesto dun ngayon ayaw n nilang umalis di ba't sinasabi rin naman nila n nagbibigay sila s bawat puwesto nila sa isang lugar. kya pra skin parehas lng silang MASAMA dahil ayaw nilang gawin ang tamang proseso pra tawaging legal o di iligal ang kanilang lugar s pagtitinda. yun lang po