Thursday, June 5, 2008

more pix

pictures taken in batangas...







Tuesday, June 3, 2008

vacation pix

kamusta kayo? matagal-tagal rin ako nawala. nagkaroon kasi ng pagkakataon na makapagbakasyon sa ating inang bayan. napakasarap talagang bumalik sa sariling atin! marami rin akong inasahang makikita, akala ko nga lahat ng pader na makikita ko pinturado na ng mga repapips kong grapeste kasi akala ko ganun na sila kasikat at kaprominente... wala rin naman pala.
pero so far, nag-enjoy rin naman ako ng todo sa bakasyon namin kahit na merong pailan-ilan na problema. hindi naman mawawala yun, abnoy ka nga raw kung wala kang problema.
eto pala ang ilan sa mga pictures na nakuha ko habang bakasyon....
eto ang koleksyon namin ng gitara na nasa pangangalaga ng mahal kong pamangkin na si edward.

nung ipasyal ko ang asawa at ina ko sa tagaytay

trying to make it different


asawa ko at nanay ko


ayos ba ang kuha ko? draught in the middle of abundance

eto ang pamangkin ko na sobra kong naka-bonding nung bakasyon ko to the point na humahagulhol sya nung umalis ako... i love you UTOY

mother dear... and dami kong pagkukulang sa inyo na hindi ko alam kung pano punan

palutangin ang subject...


and the winner is....


foreplay sa hangin


ang lupit nila... sa enchanted kingdom nga pala 'to


wala ka sa magazine, kuya

ayos ba ang birthday cake ko? courtesy of danna


swimming time


parang sa mga mamahaling resort, ano? clubhouse lang namin yan


ayos ba ang effect?

yun lang! wala akong pakialam kung nagustuhan nyo o hindi, blog ko ito at gagawin ko kung ano ang gusto ko. me angal?



Friday, April 4, 2008

kuha ko 'to!

these are pictures that i took... i was actually learning how to use a digital camera, hehe
pwede na bang pang-magazine?

emphasize the subject...


sapatos ko yan...


Monday, March 31, 2008

era

ilang bwan ko na ring iniisip kung ano ang nangyari sa pamangkin ko'ng si edward. hindi ko malaman kung ano ang nangyari sa kanya at bigla na lang s'yang nagbago. hindi ko maikakaila na s'ya ang pinaka-close na pamangkin sa akin. nasubaybayan ko ang paglaki n'ya dahil hindi naman ganun kalayo ang agwat ng edad naming dalawa.

tanda ko pa nun pag nagbabakasyon s'ya sa bukid, halos lagi kaming magkapulupot. lagi s'yang nakaangkas sa bike ko kahit saan ako magpunta at nung lumaki na ako, motor naman ang pinag-angkasan namin. hindi ko makalimutan nung minsang umuwi na sya sa maynila para sa pasukan. sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, isinuot ko ang pinagbihisan n'yang damit sa unan na ginagamit n'ya at yun ang katabi ko sa pagtulog. napagalitan pa ako ng nanay ko dahil hindi raw makakatulog si edward sa maynila pag ganun... namiss ko talaga sya nun!

nung tumira na ako sa bahay nila para sa pagkokolehiyo ko, mejo iba ang samahan namin dun. hindi katulad sa bukid na kaming dalawa palagi ang magkasama, dun kasi marami syang kalaro na kasing-edad nya. pero hindi pa rin nawawala ang pagiging malapit namin.. sa pagkakaalala ko, grade 5 na sya hinahalikan ko pa sa pisngi bago matulog. sya rin ang kasama ko sa CR pag gabi nung nag-uumpisa akong magyosi ng patago. nagkahiwalay na lang kami nung lumipat na sila sa sta. rosa at tuloy pa rin ako sa kolehiyo. tuwang-tuwa ako sa kanya nung malaman ko na nag-aaral din sya ng gitara. naisip ko nun 'siguro idol ako ni edward' kahit hindi naman siguro, parang ang sarap lang isipin na ang paborito mong pamangkin ay sinusundan ang yapak mo....

sa madaling salita, masaya ako sa naging paglaki nya hanggang sa pagbibinata. nagulat na lang ako sa mga nangyayari sa kanya ngayon. hindi ko alam kung bakit nya pinabayaan ang pag-aaral nya at nakapagdesisyon sya na itigil na lang ito. nakakapanghinayang... nasa kanya na ang lahat ng kailangan nya, mag-aral na lang ang gagawin nya o kahit pumasok na lang sa eskwela, tinanggihan nya pa! samantalang yung iba nagkukumahog para lang makapag-enroll, nagmamakaawa sa adviser para lang makapag-exam.

wala akong makitang dahilan para magkaganun sya, maayos ang pamilya nila, binibigay sa kanya ang luho, pinapayagan sya mag-inom at kahit magyosi, o kahit anong gawin nya andun pa rin ang suporta... pero bakit ganito ang isinukli nya sa magulang nya?

gusto kong isipin na dumadaan talaga ito sa pagiging binata. kahit ako naman bumarkada, uminom, nanigarilyo, nagdrugs pa ako, sumali pa ako sa fraternity, nagbanda rin ako... pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na hindi na ako mag-aaral at iistambay na lang. kung tutuusin, mas brutal ang mga dinaanan ko pero hindi naman ako nag-isip na mas masarap gawin yun kesa magtapos ng pag-aaral.

umaasa ako na sa pagkikita namin pag-uwi ko, mabigyang liwanag ko ang pag-iisip nya... lumang linya na siguro pero napakahalaga ng edukasyon. sana magising sya sa pagkakahimbing nya sa maling panaginip...

edward, wag mong ipagmalaki ang mga bagay na nakaya mong iwasan. it is not bad to move around and see things but please don't forget to go through the right direction. you can stop for a while to figure out or experience something but you should not stop and do it all along. life is full of happy things and it can never be found with your 'tropa' alone...

ang totoong tropa, kahit hindi mo kainuman gabi-gabi, kahit hindi mo masamahan sa gimikan, kahit makalimutan mong minsan... hindi nawawala! wag kang matakot na mawalay sa katropa mo dahil dun mo malalaman kung sino ang totoo mong kaibigan...

Saturday, March 22, 2008

jrejorio lakantra ryas

hindi ko namalayan, malapit na palang mag-isang taon simula nung pumanaw ang kuya ringo ko. matagal-tagal na rin pero andun pa rin ang denial. ang hirap naman kasi nung tatlong taon kayong hindi nagkikita tapos bigla na lang sasabihin sa'yo na wala na ang kuya mo.

si kuya ringo, bilib ako sa taong yun! pero bilang kuya ko, hindi ko sya masyadong nakasama at nakabarkada. hindi katulad ng dalawa ko pang kuya na katulad ko ring luku-luko, hehe! sya kasi medyo seryoso sa buhay, organized kumbaga. nagkasama lang kami nung kunin nya ako papunta dito sa uae. oo, sya ang dahilan kung bakit ako napunta dito kaya utang ko sa kanya kung ano ang meron ako ngayon.

nung magkasama kami sa bahay, dun ko lang nakita kung pano sya mamuhay at kung gaano sya kadisiplinadong tao. sa kanya ako nakakita ng 'talaarawan' na akala ko ay isang project lang nung elementary pa ako. nakasulat sa isang papel na nakadikit malapit sa pintuan ang mga bagay na gagawin nya sa loob ng isang linggo. mahilig sya sa prutas at conscious sa kalusugan kaya nagtataka ako kung pano syang inatake habang naglalaro. hindi ko makakalimutan ang bilin nya sa akin bago sya umalis papuntang new zealand. pag sumusweldo na raw ako, wag ko daw naman ipapadala lahat sa pilipinas ang kinikita ko. kailangan ko rin daw maglibang at maglaan ng para sa sarili ko dahil ako daw ang nagpapagod para dun. ang akala ko kabaliktara nun ang sasabihin nya sa akin.

simula nung umalis sya, puro na lang email ang naging komunikasyon namin. ilang araw bago sya namatay, nag-email sya sa akin at nagpapabili ng wall-mounted na hanger na katulad daw nung nasa bahay namin dati na hindi ko naman maalala kung ano yun at tsaka contact lens para daw hindi sya nahihirapan sa paglalaro nya ng basketball na kinahihiligan nya ng mga panahong yun. hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan nya pang sa akin magpabili nun e meron naman dun. napagtanto ko na lang na naglalambing siguro s'ya kaya humihingi ng mga simpleng bagay na yun. nakakalungkot isipin na hindi ko pa nabibili ang contact lens nya ay nawala na sya.

lahat ng pinagsamahan namin ay alaala na lang... lahat ng mga bilin nya at payo, mananatiling nakatanim sa utak ko. alam ko nasa tabi-tabi lang sya kasama ang tatay na nanonood sa amin...

Monday, February 25, 2008

bahay na bato?

kung nabasa mo ang post ko last 2aug07 (umaaraw, umuulan), makikita mo dun ang bahay na pinangarap naming mag-asawa. ang bahay na nagbigay ng liwanag at excitement sa buhay naming mag-asawa. ang dami naming plano para sa bahay na yun, kung ano ang gagawin pag-uwi namin, kung pa'no pagagandahin, kung ano ang ilalagay sa area na ito, dun sa likod-bahay, sa gilid.. pati yata sa kalsada, hehe! masaya naming iniisip ang pagtira dun at kung paano gagawing tahanan ang bahay na yun.

habang papalapit ng papalapit ang araw ng pag-uwi namin, parami naman ng parami ang kumplikasyon at problemang dumarating tungkol sa nasabing bahay. maraming bagay na mahirap ipaliwanag dito ang bigla na lang nagsulputan. mga kundisyon na hindi naman nabigyang-liwanag sa amin nung umpisa pa lang. nakaka-frustrate...

bigla na lang nawala ang excitement.. napalitan ng lungkot at pagkadismaya. ang sakit sa loob ng ganito, para bang gumuho ang pangarap mo. kahit pag-uwi para magbakasyon parang nakakatamad na rin. gusto kong magalit dahil hindi naman mumunting halaga ang binitawan mo para sa bagay na yun kasama ang pag-asa na may maayos na kapalit kaming matatanggap. nakakalungkot talaga at mas nalulungkot ako para sa asawa ko dahil napalitan ng luha ang kasabikan n'ya...

Saturday, February 9, 2008

i wish...

i received this touching story through a forwarded mail from a friend some days ago. it may not be as touching to others as it is to me but i want to share this to you...

A simple man tells how his booking an air ticket for his father, his first flight, brought emotions and made him realize that how much we all take for granted when it comes to our parents.
My parents left for our native place on Thursday and we went to the airport to see them off. In fact, my father had never traveled by air before, so I just took this opportunity to make him experience the same. In spite of being asked to book tickets by train, I got them tickets on Lufthansa.
The moment I handed over the tickets to him, he was surprised to see that I had booked them by air. The excitement was very apparent on his face, waiting for the time of travel. Just like a school boy, he was preparing himself on that day and we all went to the airport, right from using the trolley for his luggage, the baggage check-in and asking for window seat and waiting restlessly for the security check-in to happen.
He was thoroughly enjoying himself and I, too, was overcome with joy watching him experience all these things.
As they were about to go in for the security check-in, he walked up to me with tears in his eyes and thanked me. He became very emotional and it was not as if I had done something great but the fact that this meant a great deal to him.
When he said thanks, I told him there was no need to thank me. But later, thinking about the entire incident, I looked back at my life.
As a child how many dreams our parents have made come true. Without understanding the financial situation, we ask for football, dresses, toys, outings, etc. Irrespective of their affordability, they have satisfied to all our needs. Did we ever think about the sacrifices they had to make to accommodate many of our wishes?
Did we ever say thanks for all that they have done for us? Same way, today when it comes to our children, we always think that we should put them in a good school. Regardless of the amount of donation, we will ensure that we will have to give the child the best, theme parks, toys, etc. But we tend to forget that our parents have sacrificed a lot for our sake to see us happy, so it is our responsibility to ensure that their dreams are realized and what they failed to see when they were young, it is our responsibility to ensure that they experience all those and their life is complete.
Many times, when my parents had asked me some questions, I have actually answered back without patience. When my daughter asks me something, I have been very polite in answering. Now I realize how they would have felt at those moments. Let us realize that old age is a second childhood and just as we take care of our children,the same attention and same care need to be given to our parents and elders.
Rather than my dad saying thank you to me, I would want to say sorry for making him wait so long for this small dream. I do realize how much he has sacrificed for my sake and I will do my best to give the best possible attention to all their wishes. Just because they are old does not mean that they will have to give up everything and keep sacrificing for their grandchildren also. They have wishes, too.

my father died almost seven years ago and i am very ashamed to admit that i can not recall any incident that i can say i have made him feel valued or loved or special, somehow. instead, i think i have made him feel disregarded most of the times.
i can never forget the day when i graduated from college. my folks travelled to manila from batangas to attend the ceremony so we went to the Folk Arts Theater, where the commencement will be held. upon our arrival, i went straight to where my friends are with my parents just following behind me. i quickly introduced them to my friends and i started joking with my friends as if we never met for years and forgot that my parents are just behind me with nobody to talk to. when the ceremony was about to start and we all have to be inside, my parents asked me which way to go because the visitors will be sitting separately from the graduates. they were asking me to walk them to their entrance because they don't know the way but instead of giving them their request, i told them to find their way to the entrance because i will be left behind by my friends and ran off.

that incident kills me. everytime i remember that day, i feel like i am the most insensitive, dumbest, bastard, disrespectful son in the world! how can i do this thing to them?!
my father died without hearing the word 'sorry' from me. up to this moment, i haven't even said sorry to my mother. i don't know if they remember that day but i will never forget it and it will always haunt me. the day that i paid no importance to my parents...
i know for sure that even if i give the most expensive holiday to my mother flying on a first-class trip and even if i check her in to Burj Al Arab, it won't erase that incident during my graduation day that hurts me more than anybody else.
i wish i was the man in the story that has paid importance and showed love to his father. i wish i will be able to say 'sorry' to my mother before it's late and i wish i can tell her how regretful i am withregards to that incident though i know for sure that she had forgotten it.

i wish....