Wednesday, February 4, 2009

Gigs!

tugtog namin sa Food Festival sa St. Mary's Church in Al Ain last 2january09

hindi ako makita kasi natatakpan ako sa likuran, shy kasi ako!



eto naman sa opening ceremony ng liga ng basketbol. hindi rin ako makita kasi madilim.

anyway, kahit hindi nyo ako nakikita jan... isa ako sa nagigitara, promise!

Monday, January 26, 2009

Monday, January 19, 2009

learn to change!

nabubwisit na ako sa learning and changing kuno na pinapauso ng lekat na mga yun! hindi ko alam kung balak ba nilang magshift sa psychiatry o nagpipilit silang maging inspirational speaker. inconvenience lang ang malinaw na ibinibigay nila sa amin; isipin mo ba naman yung linggu-lingong pagbibyahe papunta sa pagkalayu-layong lupalop na yun tapos ganun at ganun pa rin naman ang pinag-uusapan at ganun at ganun din ang tanghalian! malapit na akong lumipad sa pritong manok nila...

ang tagal kong hindi nagsusulat dito kasi ang gusto ko sana yung maganda ang dating ng una kong post sa 2009. so far wala kasi akong makitang maganda kaya pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa pagsusulat kaso hindi na ako makapagtimpi, sobra na! nasayang lang ang pagpipigil ko, napunta sa ganito... pambihira!

read this carefully: if you want to influence somebody and expect that somebody to change for better, you must first show that somebody that you are a changed person. i remember something that i read about a preacher long time ago. a mother brought her son and asked a preacher to advise her son to stop smoking. to the mother's surprise, the preacher simply told them to come back after a month. a month later, the mother and son were in front of the preacher again and this time the preacher advised the young man to refrain from smoking. the mother couldn't help but ask why did they have to wait for a month. it was then revealed that the preacher is also a smoker and he couldn't dare to advise somebody to stop smoking while he himself is a smoker - so what he did is he stopped it himself first before he advised another to do the same.

that, to me, is the perfect way to influence others to change!

Wednesday, December 24, 2008

safeguard

kakaibang pakiramdam ang naranasan ko kaninang umaga habang nasa banyo ako at naliligo! sa buong buhay ko na nagbabanyo ako, nun ko lang naranasan yun! ibang klase!

teka... teka! baka mamaya kung ano ang nasa isip n'yo, wala akong kahalayang ginawa at hindi rin ako nagbasketbol sa banyo. ganito kasi yun.... (flashback...!)

habang naliligo ako, nabigla ako nung kukunin ko ang sabon sa habonera para magsabon ng katawan. ang asawa ko, bumili pala ng SAFEGUARD! oo, safeguard na sabon. napakatagal ko nang hindi nakakagamit ng safeguard.. simula pa nung mag-abroad ako siguro. kahit naman umuuwi ka sa Pinas pag bakasyon, yung mga sabon na dala-dala mo rin ang ginagamit mo at hindi ang safeguard. eto na... nung unang kuskos ko pa lang, biglang humalimuyak ang amoy na kinalakihan ko. sa hindi ko malamang dahilan, parang bigla ako bumalik sa Pinas, sa Batangas, sa bahay namin at lalong lalo na sa pagkabata ko. napakasarap na pakiramdam! yun bang tipong galing ka sa palaruan at tinawag ka ng nanay mo para maligo at pinapaliguan ka ng hubo't hubad na panay ang dabog mo kasi gusto mo pang maglaro. ewan ko kung naiintindihan n'yo ang sinasabi ko pero wala ako pakialam, blog ko ito at isusulat ko kung ano ang gusto ko! kung gusto n'yo ng mas commercial na paliwanag, pwede nating ikumpara sa pelikulang Ratatouille. kung napanood nyo yun, balikan n'yo yung eksena kung saan tinikman ni Anton Ego (food critic) ang ratatouille ni Remy (daga) at sa unang subo ni Anton ay bigla s'yang bumalik sa pagkabata n'ya.

madalang mangyari ang mga ganitong pagkakataon sa buhay natin. wala akong gustong palabasin na moral lesson sa paggamit ng sabong safeguard o ipromote ito sa anumang paraan. ang sa akin lang, sa gitna ng mabilis na takbo ng mga buhay natin, nakakatuwang isipin na may mga simpleng bagay na nakakapagbigay sa atin ng lubos na kasiyahan. kahit pa bali-baliktarin ko ang mundo, ang kabataan ko ang pinakamasayang yugto ng buhay ko.. siguro kayo rin. pag bata kasi wala kang pinoproblema kundi mga assignment sa school, project na hindi natapos, nabasag na paso, flat na gulong ng bike, ballpen na walang tinta, kung pa'no babawiin ang natalong teks at kung anu-ano pang mga simpleng bagay. habang padagdag ng padagdag ang edad mo, parami rin ng parami ang kumplikasyon sa buhay... palaki ng palaki ang mga pinoproblema mo... simpleng bagay na lang kung tawagin mo ang flat na gulong ng bike at nabasag na paso pero gabundok na sakit ng ulo naman ang nasa likuran mo. haaayyy, buhay! kahit na ano pang gawin natin, hindi tayo pwedeng manatiling bata. maging masaya na lang siguro tayo sa paminsan-minsang pagbabalik-tanaw katulad nung nangyari sa akin kanina. kahit pa nagbabad ako sa banyo at pilit na ninanamnam ang pakiramdam ng pagkabata, bigla na lang ako natauhan nung lumamig ang tubig. ubos na pala ang mainit na tubig sa heater sa sobrang tagal ko. tapos na pala ang ligaya wala na ang flashback.... silip sa pagkabata kumbaga. patikim... pa-experience... free taste.....

Friday, December 19, 2008

pusang gala!


eto ang pusang madalas magbulatlat ng basura namin. ngayon, napakinabangan ko s'ya sa litratong ito. at least gumanda ang tingin ko sa kanya sa picture na ito, hehe!
Posted by Picasa