Monday, September 28, 2009

paano na?

lugmok na nga si Juan
inatake pa ng ulan...
sa ginawa mo Ondoy,
pa'no na ang mga Pinoy?

nakakagimbal na Sabado ng umaga ang sumalubong sa gising ko nang buksan ni misis ang telebisyon sa harap ng higaan namin. walang palabas sa TFC kundi balita tungkol sa trahedyang sinapit ng Luzon partikular na sa Maynila at mga karatig lalawigan.

sa pagkakarinig ko, may nagsabi na bumuhos sa loob ng magdamag ang ulan na karaniwang bumubuhos sa loob ng isang buwan. at ang kinalabasan... dagok at pasakit na naman sa mga kawawang Pinoy. naawa at kinilabutan ako sa mga nakita ko sa TV, lalo na 'yung mga kabataan na nasa ibabaw ng bubong na tinangay ng malakas na agos at nagkahiwa-hiwalay paglagpas sa ilalim ng tulay... lahat yata sila, sa kasamaang palad ay nasawi.

sa mga pagkakataong ganito, may awa kang nararamdaman at hindi maiiwasang may galit na kasama. bakit nangyayari ito? may gusto kang sisihin pero sino? lahat biktima, lahat talo, lahat luhaan, lahat lugmok. may iilan akong nakitang matatabil ang dila na nakuha pang kutyain ang mga kapwa rin nila Pinoy. kumalat sa Facebook ang Wall ng isang taga-Dubai daw at sinasabi sa mali-maling ingles na nararapat daw sa mga makakasalanang Pinoy ang nangyari, mabuti na lang daw at nasa Dubai s'ya. nakakaawang nilalang! 'yung isang video naman na kuha raw sa UERM, maririnig mo ang boses ng isang medyo sosyal na babae sa background na nagsabing 'Oh my God, ang saya-saya!' nung makitang inaanod ng malakas na baha ang mga sasakyan habang sinasaway ng isa na 'wag magtatawa. naiintindihan ko pa 'yun, siguro naexcite s'ya sa mga nakikita n'ya nung umpisa pero nagpanic din s'ya sa huli nung makita n'ya na isa sa mga sasakyan ay may tao pa sa loob.

nakakatuwa rin naman sa kabilang banda na pagkatapos ng delubyo, umulan naman ng mga tulong galing sa mga tao o grupo ng mga tao o kumpanya na nagmamalasakit sa mga nasalanta. nakakagulat na makalipas ang isang araw ay may nakalap na agad ang telethon ng ABS-CBN na mahigit 20M na cash pledges at kung hindi ako nagkakamali ay 20M worth din na goods... at ito ay sa isa pa lang sa maraming grupo na nagkukumahog para makatulong sa mga biktima ni Ondoy. dito ka naman bibilib sa mga Pinoy, kahit na sabihin mo'ng tuso sa normal na panahon... malambot naman ang puso at handang tumulong sa mga nangangailangan sa oras ng kagipitan!

ang mga nangyari ay mga bagay na hindi nakokontrol, nahuhulaan o kayang pigilan ng mga tao. ito ay isang bagay na bigay ng kalikasan at kahit na 10 ang medal mo sa Boy Scout nung elementary, walang paghahanda ang sasapat dito! dito natin mapapatunayan na hangga't nasa mundo tayo at nabubuhay sa lupa, pantay-pantay ang mga tao. walang mataas o mababa, walang iskwater at walang village boy... lahat nakalubog. gusto mong manisi pero hindi mo magawa dahil alam mo'ng isa ka sa mga dapat sisihin. wala tayong laban sa bangis ng kalikasan kundi ang magkaroon ng pang-unawa at pusong handang tumulong sa mga magiging biktima nito... kung sakali mang hindi tayo ang biktima!

Saturday, June 6, 2009

latest pictures

these are the latest pictures that i have taken one night in Mubazarah Park in Al Ain, Abu Dhabi, UAE



























































Thursday, May 7, 2009

blessings!

gusto ko lamang magpasalamat sa Dakilang Lumikha sa lahat ng biyayang natanggap ko nitong mga nakaraang araw at sa mga darating pang mga araw.

una, nakapasa ako sa pagkuha ng driving license na matagal ko ng pinapangarap. ang ganda pa nito, nakuha ko sa unang subok pa lang. yung mga kasabayan ko merong 7, 8, 12 subok na hindi pa rin pumapasa. hindi biro ang kumuha ng lisensya dito sa UAE dahil hindi katulad sa Pilipinas na iihi ka lang sa botelya mamaya me lisensya ka na kesyo marunong kang sumakay ng bike o hindi.

pangalawa, binigyan ako ng kaibigan kong Indian na si Terrence na kabanda ko rin ng napakagandang electric guitar. Jackson mga kapatid! isa itong brand na ni sa panaginip ko ay hindi ko inisip na mahahawakan ko, as in mamahalin! at bukod pa dun, may kasama na ring amplifier na Marshall na ubod ng laki! napakaswerte ko talaga! siguro baka hindi lang 1,000 dollars ang halaga nung mga yun kung bibili ka ng bago.

yun lang naman. dadalawa lang kung tutuusin. pero ako kasi, ugali ko ng magpasalamat ng malaki kesyo dambuhala o bansot ang biyayang natatanggap ko. hindi ako relihiyosong tao, ni hindi nga ako nagsisimba o naniniwala sa mga pari o simbahan, pero malaki ang takot at pananampalataya ko sa Dakilang Lumikha. at lahat ng natatanggap ko sa araw-araw simula nung ipanganak ako ay utang na dapat kong ipagpasalamat sa Kanya...

Saturday, April 18, 2009

kakisigan na lang ba?

Clothes make the man. Naked people have little or no influence on society.
- Mark Twain

'yan ang malinaw na katotohanan. kahit kasing-talino mo si Gat. Jose Rizal at wala kang pambili ng mga mamahaling damit, malamang walang seseryoso sa'yo. marahil ito ang dahilan kung bakit palaging nakasuot ng overcoat si Rizal kahit na ubod ng init sa Pilipinas.

pumunta ka sa department store na nakasuot ng gusgusing damit, puruntong at sipit na tsinelas (hindi 'yung mamahalin), ewan ko kung may pumansin sa'yo at magtatanong ng 'How may I help you?'. pero kung papasok ka na nakasuot ng branded na damit at bihis mayaman, malamang nag-uunahan ang mga salesclerk sa pagsalubong kahit na beinte pesos lang ang laman ng wallet mo.

naging sukatan na ng pagkatao mo ang kasuotang nakabihis sa'yo. pag pangit ang cellphone mo, dukha ka pero kung ang gamit mo ay bagong modelo na may kasama pang panundot, big time ang tingin sa'yo kahit na wala kang load at ni hindi mo alam gamitin ang karamihan sa features ng cellphone mo. kung slang ang accent ng pagsasalita mo ng wikang Ingles, napakatalino ng tingin sa'yo ng kapwa mo pero kung Tagalog na nga ang salita mo at matigas pa ang punto mo, Bisaya ang tawag sa'yo. ewan ko ba kung sinong walang modo ang nakaisip magdikit ng salitang 'Bisaya' sa kabaduyan.

nakakalungkot isipin na napakababaw na nga ng pamantayan para masukat ang pagkatao mo, karamihan pa sa atin ay pilit na inilalagay ang sarili sa estadong papasa sa pamantayang ito. lahat tayo, kahit ako, napapahanga sa mga taong nabibihisan ng mamahaling kasuotan, gumagamit ng mga high-tech na gadgets, may magarang sasakyan, magaling magsalita at kung anu-ano pang materyal na bagay na mamahalin.

pero sana wag nating kalimutan na tayo, katulad ng lahat, ay ipinanganak na hubad at mabubulok din pag namatay. kahit papano, dun nagkakapantay-pantay tayo sa palagay ko...

Monday, March 30, 2009

Tsip Chao: The War at Home

The War At Home
http://hk-magazine.com/feature/war-homeMarch 27th, 2009

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.

Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.

Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being.

-From where i got this, they said that Chip Tsao is a best-selling author (i wonder how) and columnist. A former reporter for the BBC, his columns have also appeared in Apple Daily, Next Magazine and CUP Magazine, among others.

the first two lines of the above article are enough to tell that the writer is non-sense; and he calls himself patriotic with those statements.

i wonder how you look at yourself to have the courage if not insanity to write things like these. i have never read anything as stupidly racist as this one! who the hell are you that you want yourself to be treated as 'master'. these 'servants' that you are pertaining to are working professionally, respecting their contracts, working in exchange of monthly salary and not because they treat anybody as 'master'. the monthly salary maybe cheap for you then be thankful that you earn more than enough to pay for the 'cheap' salary of your 'servant' to take care of your everyday mess. i never imagined of somebody to look down at someone so bad until i read your article.

for your information Mr. Cheap Chao (suits you more), in some cities here in the Middle East, your precious Chinese women fill the streets at night selling sex for as low as the value of a mobile phone prepaid card less than $10. so cheap that all the customer has to do when asked the famous question "HOW MUCH?" is to simply flash a prepaid card - and the business starts! believe me or not, i think 'how much' is the only English phrase they know. it is so notorious that even when you ride a taxi, the driver won't stop talking about their adventures with these women for such a cheap rate until you go down.

with all the facts i have stated, Mr. Cheap Chao, i have never looked down on your precious Chinese women but pitied them, instead. i am not a columnist like you but sometimes i am capable of understanding complicated things, which you seem to lack. i even admire them for having the courage to do shameful things just to earn something that is far cheaper than what your 'servant' earn. you are lucky and you should be thankful with the status that you are enjoying. i wonder how you'll be surviving if you will be in the same status as these women in the streets are.

with all due respect to the countries i will mention, you look up to Russia because of Lenin and Stalin, you look up to Japan because of anime, Hello Kitty and Shinjuku, now you look down on the Philippines because it is producing 130,000 domestic helpers to your country. i don't think it's a valid reason to look down on us. what about China? what have you produced? toys and foods that are chemically toxic, am i right? i think you should put into consideration before you fly high, my 'Master', that most of the products coming from you are usually pulled out from the stores for product recall. inspite of all these things, did anyone from the Philippines or anywhere in the world branded China as a poison-producing country? no one did. it is because everyone, just like me, has the capability of understanding complicated things which, i repeat, you lack.

now, before you lecture your 'servant' regarding geography, try to understand simple things first. it will be useful for your career as a columnist, believe me. and may i remind you... in the last line of the previous paragraph, 'everyone, just like me' means HUMAN. you, i don't know what are you Mr. Cheap Chao. Mr is short for mister and not MASTER! ...and if ever your article was a satire, then this goes to who you portray.

Saturday, March 7, 2009

freeman

ipagdasal natin ang kaluluwa ni Francis Magalona na pumanaw kahapon lang. isang institusyon sa larangan ng Pinoy Rap. s'ya ang responsable kung bakit naging seryoso at makatuturan ang Pinoy Rap at naiangat ito mula sa pagiging novelty. sa aking paniniwala, s'ya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagwakas ang 'awayang hiphop at metal' nung dekada '90.

sa Master Rapper, Man from Manila, FrancisM.... isang milyong saludo sa iyo at sa mga adhikain mo!


every color and every hue is represented by me and you
-FrancisM

Thursday, February 19, 2009

shit happens

hindi mo ginusto 'to. pero sa sarili ay may nangyayaring gulo. walang nakakaalam, walang nakakarinig. ayaw mong humingi ng tulong dahli alam mong wala ring makakatulong sa 'yo. isa ito sa mga mapaklang katotohanan sa buhay. maaring ngayon lang ito nangyari, pero alam mong maaari itong mangyari ulit... kahit kailan, kahit saan, kahit kanino.

alam ba ng mga kamag-aaral ko? hindi siguro, dahil taimtim silang nagsusulat ng pangalan nila sa papel nang paulit-ulit. alam ba ng katabi ko? hindi siguro, dahil seryosong-seryoso ito sa pagkukulay ng mga iginuhit n'yang bahay, araw at puno. alam ba ni Madam? hindi rin siguro, dahil abala ito sa pagbabantay sa iba mo pang mga kamag-aral. walang nakakaalam ng kalagayan mo, ng paghihirap mo ngayon.

hindi mo na kaya ang lahat, ayaw mo nang mag-isip, nais mo nang tapusin ang dusa at pasakit. hindi mo na alintana kung kutyain ka ng kahit na sino man, tumigil lang ang pagtulo ng mga malalamig na butil ng pawis sa iyong katawan. at naisip mong... Ngayon Na! bigla mong inilabas ang sama ng loob. ang demonyo sa iyong bituka. ang walang-hiyang pagkain na nagpupumiglas sa kaloob-looban mo. lumipas ang ilang sandali. at doon nakahinga ka nang malalim, nang matiwasay. tumigil ang unos, payapa na ang kapaligiran. ginusto mong ngumiti ngunit may nagbanta sa kasiyahan.

"ambaho, ano ba 'yon?!"

isang kamag-aral ang nangahas na nagsabi ng katotohanan. hindi mo alam kung sino pero nais mo s'yang isumpa. s'ya at ang kanyang malaking bunganga. gusto mo s'yang pagbayarin sa ginawa n'yang kasalanan ngunit meron na namang humirit.

"may mabaho nga!!"

huh??? totoo ba ang narinig mo? hindi lang isa ang traydor sa mga kaklase mo. may isa pa, at isa pa, at isa pa... dumarami sila. hindi mo na alam ang gagawin mo. bakit kailangang mangyari ang ganitong trahedya sa isang bata?

"okay! stand up, everybody. we shall dance and sing!"

hindi sila pinansin ni Teacher, ligtas ka na. pero ano 'tong gusto n'yang ipagawa? paano ka tatayo? paano mo ipagtatapat ang lahat? umikot ang iyong mga mata, pumihit ang iyong ulo pero wala sa paningin mo ang nanay mo, o si ate't kuya. kanino ka hihingi ng saklolo?
litong-lito ka na nang mapansin mong lahat ng kamag-aaral mo ay nakatingin na sa'yo, pati si Teacher. ikaw na lang ang nakaupo. lahat naghihintay na sa iyong pagtayo, mga matang nakatitig sa iyong mga mata. tahimik ang buong klase, tibok ng puso mo lamang ang tanging naririnig mo. hindi mo na alam kung ano pa meron ang buhay. ayaw mo na sana gumalaw ngunit tinapos ng isang bata ang kalbaryo mo nang basagin n'ya ang katahimikan.

"ay, Teacher, tumae s'ya!!!"

wala ka na ulit naalala....



-Bob Ong
ABNKKBSNPLAKo?!