ilang lingo ng nakasalpak ang CDng kulay itim sa loob ng player ng sasakyan ko. ilan lang ang lamang kanta nun, 18 lang yata kung di ako nagkakamali - ilan lang kumpara sa mp3 files na pwedeng magkasya sa isang CD at ilang araw mo ng pinapatugtog 'di pa rin umuulit.
pero ang itim na CD na yun, binili ko kasi astig yung pulang CD na kasama n'ya. puro local bands at hanep sa mga version ng original na kanta kaya kung tutuusin, sabit lang 'yung itim na CD. pero nung magsawa na ako sa kakapakinig sa kulay pula, sinubukan ko 'yung itim at simula nun hindi ko na nalaman kung sa'n napunta 'yung pulang CD. paulit-ulit ko ng pinapakinggan ang kulay itim at sa hindi ko malamang dahilan, paulit-ulit ko ring sinasabayan ang mga kanta nila. para bang idinuduyan ka ng tatlong boses na 'yun at niyayayang kumanta bilang ika-apat na miyembro nila.
matatanda na sila, kung tutuusin dapat pinapatugtog na lang sa FM ang mga kanta nila pag araw ng Lingo, hehehe. kaya nga may tribute album na para sa kanila kasi ang mga kanta nila bata pa lang ako naririnig ko na pero hanggang ngayon gusto ko pa ring marinig at paulit-ulit pa. ewan ko kung Pinoy na matatawag ang taong hindi magugustuhan ang mga kanta ng APO Hiking Society. ang mga direktang lyrics ng kanta nila, transparent at walang pasikot-sikot. walang hidden message na kelangan mong hanapin. walang paCUTE kumbaga, walang GIMIK. APOng APO ang dating!
naisipan ko lang naman isulat ito para mailabas ko ang sayang nararamdaman t'wing kasabay kong kumakanta sina Buboy Garovillo, Danny Javier at Jim Paredes. pasasalamat na rin ito sa kanila dahil nananatili akong gising sa mahahabang byahe kahit walang kausap. baka 'pag nabasa ng LTO ito, gawin nilang requirements sa pagrenew ng rehistro ng sasakyan ang CD ng APO Hiking Society!
ubos na rin ang beer kaya kape na lang, lahat sinusubukan kahit walang pulutan...
Monday, May 17, 2010
Saturday, March 20, 2010
PUP: 2000% tuition fee hike, may pambayad ka?
balak daw itaas ang tuition fee sa PUP (ang aking mahal na paaralan) ng 2000%. sa totoo lang, 1667% lang naman yun from P12/unit to P200/unit na tuition fee.
nung mga panahong nag-aaral pa ako sa PUP, hindi umabot ng P600 ang tuition ko sa isang sem. mababa lang siguro kasi wala naman ako sa engineering o mga kursong maraming laboratory. pinakamataas na ang mahigit P500 nung time na marami kaming laboratory. at sa pagkakaalam ko, 30 years ng ganyan ang tuition fee sa PUP. Ito na siguro ang may pinakamurang de-kalidad na edukasyon sa Pilipinas.
sa kabila ng napakamurang tuition fee, hindi mo masasabing pulpol ang edukasyon sa PUP. at ang mga estudyante rito, dumaan sa matinding PUP College Entrance Test. natatandaan ko pa ang pakikipagsapalaran ko dati para lang makapasok dito. libu-libo ang nag-exam at kung hindi ako nagkakamali, pitong libo lang ang nakapasa sa 25 libong nagtake ng exams at isa ako sa maswerteng nakapasok!
sa buong pag-aaral ko dito, marami rin akong naging kaibigan at kakilala. at sa pagkakaalala ko, wala akong naging kabarkada na masasabi mong mayaman talaga. may isa akong natatandaan, si Reynante Leonardo na taga-Bulacan. isa s'ya sa iilang may sasakyan sa buong eskwelahan. pero hindi rin naman s'ya ang masasabi mong mayaman na tipong negosyante ang mga magulang dahil OFW ang tatay n'ya sa japan kaya kahit papano ay nakaangat sila sa kabuhayan. bukod sa kanya, wala na akong maisip na ibang kabarkada at kakilala na talagang may kaya sa buhay.
kung matutuloy ang pagtaas ng tuition fee, ang dating nagbabayad ng P252 para sa 21 units sa isang sem (hindi kasama ang miscellaneous fee at lab, etc.) ay aabot sa P4,200 ang babayaran, bukod pa ang miscellaneous fee at lab, etc. kung tutuusin, pambayad na sa walong semester ang halagang yun. nung panahong yun, pinapaaral ako ng ate ko na ordinaryong empleyado sa isang kumpanya sa Makati. kung matutuloy ang pagtataas ng tuition fee, sino na lang ang makakapag-aral sa PUP? ilang anak ng mga ordinaryong manggagawa ang mawawalan ng kakayahang makapag-aral at ilang anak na lang ng OFW ang maiiwan dito?
mahal ko ang PUP. malaking bahagi ng kung ano ako ngayon ay dahil sa PUP. dito ko rin nakilala ang mga tunay na kaibigan at kabarkada. nung nasa Pilipinas pa ako, madalas ay nasa PUP rin ako kahit graduate na ako para bisitahin ang mga naiwang kabarkada. kahit ngayon, pag nakakakita ako ng mga larawan na kuha sa eskwalahang 'yan, napapangiti ako at hindi maiwasang balikan ang mga araw na nasa kandungan pa ako ng PUP. maraming Pilipino ang natutulungan ng PUP para marating ang mga pangarap nila at marami rin ang masisira ang kinabukasan kung hindi na sila makakapag-aral dito.
sintang paaralan, tanglaw ka ng bayan
pandayan ng isip ng kabataan.
kami ay lumaki na salat sa yaman
hanap ay dunong na iyong alay
kung talagang kabataan ang pag-asa ng bayan, karapatan naman siguro ng mga kabataang ito na mabigyan ng wastong edukasyon para maiangat nila sa kahirapan ang bayang sa kanila umaasa...
Saturday, February 27, 2010
Pinoy Pride?
alam ko hindi ganun ka-reliable ang WIKIPEDIA dahil kahit sino ay pwedeng maglagay o mag-edit ng entries dito. kaya nga ito WIKI ay dahil sa phrase na What I Know Is. para bang pag may nagtanong sa'yo na hindi ka naman sigurado, sasagot ka ng "ang alam ko kasi ganito 'yan... 'yun ang alam ko pero tanong ka rin sa iba". pero hindi naman ibig sabihin na sa wikipedia, lahat ay hindi sigurado dahil karamihan naman sa mga entries dito ay may mga resources na pwede mong i-double check sa baba.
sa totoo lang, hindi wikipedia ang gusto kong talakayin dito. nagbigay lang ako ng intro tungkol sa wikipedia dahil madalas ako magbasa dito at napahanga at naguluhan ako sa nabasa ko kanina. ayon sa List of Largest Shopping Malls in the World sa wikipedia, apat na SM ang kasama sa Top 15. pangalawa sa pinakamalaking mall sa mundo ang SM North Edsa, pang-apat ang Mall of Asia, pang-siyam ang Megamall at pang-13 ang SM Cebu. mapapahanga ka sa unang kita mo pa lang dito, masasabi mong namamayagpag ang Pilipinas. pero kapag napaisip ka naman, parang nakakahiya rin. parang hindi bagay sa kalagayan ng ating bansa ang magkaroon ng ganito kagarbong mga bagay. para kang isang tao na may koleksyon ng mga mamahaling kotse pero walang panggasolina para patakbuhin ang mga ito!
kilala ang bansa natin sa dami ng malls, naglipana sa halos bawat lalawigan at bayan ang mga mall partikular na ang SM. may nabasa pa nga ako'ng essay ng ibang lahi dati na-hindi-ko-na-maalala-kung-saan na nagsasabing mas marami pa raw SM Mall sa ating bansa kesa mga isla ng Pilipinas, hindi totoo pero tatamaan ka. isipin mo nga naman, isa tayo sa pinakamahihirap na bansa sa buong mundo (tanggapin na natin!), pero ang mga pinakamalalaking mall ay matatagpuan sa ating bansa... hindi ba nakakatawa? malaking porsyento ng populasyon sa bansa ang nasa lower class kaya mapapatanong ka kung sino ang nagpupunta at kung papaano kumikita ang mga mall na ito?
wala ako'ng masamang tingin sa kumpanyang SM pero mapapaisip ka kung sino ang mga taong may kakayahang makapunta rito, kung ano ba ang ginagawa nila pag 'andun sila, namimili ba sila o tumatambay lang? pinatutunayan ba nito na tayong mga Pinoy ay mahihilig gumasta para sa mga bagay na hindi naman mahalaga at pwedeng wala tayo? Filipino pride?
nagtatanong lang po....

Saturday, February 20, 2010
Saturday, February 13, 2010
kung anu-ano...
gusto kong magsulat pero hindi na yata ako marunong. marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung pa'no umpisahan. ang haba na ng natype ko kanina pero walang laman nung basahin ko. gusto kong bumalik sa blog ko pero taga-view na lang ako ng dati kong ginagawa.
nagtampo na yata sa akin ang blog na ito. oo nga, gawa ko ito pero matagal kasi kaming hindi nagpansinan. kasalanan ito ng facebook! malaki na rin ang pagkukulang ko dito. dati kasi nung bago pa lang, araw-araw may post, nung tumagal minsan na lang sa isang buwan tapos naging kung kelan na lang maisipan, aling blogsite ba naman ang matutuwa nun? kung sa halaman hindi na nadidiligan.
gusto ko sana bumawi, gusto kong diligan ulit ang halaman sa blogsite ko... magsusulat na ulit ako, pramis! saglit lang, me notification at friend request ako....

Saturday, November 21, 2009
choose wisely
i excused myself from joining the group on our next gig because of some family matters that came up. i wanted to be 'of service' to my niece who is having this huge problem caused by her carelessness so i chose to leave the band for a while and i told them that i can not focus on playing when things are bothering my mind.
but it turned out that my niece gets irritated of me being 'of service' to her. what's the matter? i just wanted to lend a hand, we are here.. your family. we are not your enemies but you treat us like one. in the first place we are not the ones who caused this problem but you and yet you are the one acting like we always have to please you. that's fine with me! anyway, i am doing my duty just to assure my sister not to worry about her wise and brave daughter. i am worried more with the parents because the culprit acts like nothing happened and the depressed parents spend sleepless nights thinking of what happened to their daughter.
nobody's perfect. it means me and you and them. but in spite of the imperfection that we have, we have to be brave enough to face the consequences in the right way. and with that excuse that i made from my group, it caused trouble finding a replacement. and the gig is fast-approaching. but none of them pressured me to play, i only heard 'we'll be fine.. you have to deal with your personal issues if you need to' even though i can see that they are suffering. so i want to be brave enough to give my service to the ones who need it than reserving my self to someone who doesn't even care.
tuloy ang ligaya!

Sunday, November 15, 2009
sunday... bloody sunday
habang ang mga Pilipino ay nagbubunyi sa panalo ni Pacquaio laban kay Cotto, nandito ako... nagdadalamhati sa problemang dumating sa pamilya namin.
mga bagay na nangyari na walang may kakayahang baguhin at ulitin para maging tama.
mga bagay na nangyari na walang may kakayahang baguhin at ulitin para maging tama.
Subscribe to:
Posts (Atom)