Sunday, August 12, 2007

chained letters

musta? tagal natin hindi nagkita a! well, ako eto, bagong kawala sa abalang mundo ng TFC. kakatapos lang kasi ng Pay-Per-View ng mga basagulero nating boksingero, kawawa naman si Boom Boom, sya lang yata ang hindi nanalo knock-out pa sa unang round lang. hindi bale, me susunod pa naman sigurado. palagi namang may 'next time', bawi ka na lang dre!

siguro lahat tayo o kung hindi man lahat karamihan sa atin ay merong email, ano? at sigurado rin ako na lahat nang may email ay nakakatanggap ng chain letter na puno ng pagbabanta at sumpa. hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng mga tao sa likod ng mga email na ito. nakakatawa pero madalas nakakainis na lalo na pag ang nagpadala sayo ay mga kakilala mo na hindi mo aakalaing papatol sa ganong klase ng kalokohan. hindi naman masama na magcirculate ng email kung maganda ang cause lalo na kung informative o parang warning ang laman o kaya naman ay spiritual at puno ng words of wisdom, di ba? ang panira lang kasi yung pagdating sa dulo na nagsasabing 'if you do not forward this to at least 7, 8, 9, 10, 100, 1000 people within one hour after reading, something bad will happen to you for the rest of your life forever and ever achuchuchooo'! meron pa nga na picture ng mga kaawa-awang bata na bawat forward mo daw ng email na yun ay may halagang pumapasok sa account nung benificiary na nasa picture. napaka-imposible naman yata nun! yung iba naman na nagpapadala ng biblical quotes, ang ganda ng umpisa as in ma-iinspire ka talaga kaso nakakawalang-gana pagdating sa dulo. remind ko lang kayo, hindi ganun ang Diyos! pero sa mga natanggap kong forwarded message, bilib ako dun sa powerpoint na magic ni David Copperfield. natakot ako dun kasi nakakapagmagic kahit sa computer lang. isipin mo, alam nya kung ano ang nasa isip ko? pano kung bigla nya na lang ako gawing rabbit pag hindi ako sumunod?!! Finorward ko yun, mahirap na! hehehe!!!

No comments: